Aramis
Aramis | |
---|---|
Tauhan sa Mga Romansang d'Artagnan | |
Unang paglitaw | Ang Tatlong mga Musketero |
Huling paglitaw | Ang Vicomte ng Bragelonne: Pagkalipas ng Sampung mga Taon |
Nilikha ni | Alexandre Dumas |
Kabatiran | |
Kasarian | Lalaki |
Hanapbuhay | Musketero |
Titulo | Mga Musketero ng Bantay |
Kabansaan | Pranses |
Si René d'Aramis de Vannes (ipinanganak bilang René d'Herblay) ay isang tauhang kathang-isip sa mga nobelang Ang Tatlong mga Musketero, Pagkalipas ng Dalawampung mga Taon at Ang Vicomte ng Bragelonne ni Alexandre Dumas, père. Siya at ang dalawa pang ibang mga musketerong sina Athos at Porthos ay mga kaibigan ng protagonista ng mga nobela na si d'Artagnan.
Ang likhang-isip na si Aramis ay banayad na ibinatay sa pangkasaysayang musketero na si Henri d'Aramitz.
Personalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mahilig si Aramis sa mga babae at ang siya ay nakakatawag ng pansin (nakapag-iintriga) ng mga babae, na talagang umaangkop sa mga opinyon noong kaniyang kapanahunan hinggil sa mga Hesuwita at mga pinuno ng monghe. Inilalarawan siya bilang palaging maambisyoso at hindi mabigyan ng kasiyahan ang sarili: bilang isang musketero, naghahangad siyang maging isang abbé; subalit nang minsan ay hiniling ng isang abbé ang kaniyang buhay. Sa mga aklat, ibinunyag na siya ay naging isang musketero dahil sa isang babae at sa kaniyang kapalaluan: bilang isang lalaking nasa kaniyang kabataan na ang adhikain ay maging isang abbé, nagkaroon siya ng kasawiang-palad na mahuli at pinaalis na hinahagis magmula sa isang bahay, habang (inosente o hindi inosente) bumabasa para sa isang babaeng nasa kaniyang kabataan. Sa loob ng isang taon, araw-araw siyang nagsanay ng pag-eeskrima (fencing) sa piling ng pinakamahusay na eskrimador ng bayan upang makapaghiganti. Sa panahong makabalik na siya upang harapin ang lalaking nagmaltrato sa kaniya, isa na siyang dalubhasang eskrimador kung kaya't ang paglalaban ay nagtagal lamang ng dalawang mga segundo. Sapagkat ang mga duwelo ay ipinagbabawal ng kautusan ng monarkiya at dahil sa si Aramis ay isang nobisyado (baguhan), kinailangan niyang maglaho at umako ng isang buhay na hindi napapansin ng madla, na humantong sa kaniyang magparehistro sa hukbo ng mga musketero. Sa pagkakataong ito niya nakasalamuha sina Athos at Porthos, at pagdaka ay si d'Artagnan din. Pagkalipas ng dalawang mga taon, nagtulung-tulong sila upang magdala ng kapayapaan sa korte ng hari at upang panatilihing lihim ang nagaganap na ugnayan sa pagitan ng reyna at ng Duke ng Buckingham, na nais ibunyag ni Kardinal Richelieu, at dahil sa ang katapangan ni d'Artagnan ay nakapagpamangha sa kardinal na ito, tinulungan ng kardinal si d'Artagnan upang maging isang Musketero.
Tila masuwerte si Aramis, subalit isa lamang itong resulta ng kaniyang mga balaking Machiavelliano at sa kaniyang pagiging mapangahas: ang bawat hakbang na pasulong ay dapat na gamitin upang maabot ang mas malakas pang kapangyarihan. Ang ganitong katangian ay humantong sa kaniyang pagkakanomina bilang Superyor Heneral ng mga Hesuwita, na nakapaglitas talaga ng kaniyang buhay, doon sa wakas ng Le Vicomte De Bragelonne, pagkaraang ipagkanulo siya ni Nicolas Fouquet.
Sa kabila ng kaniyang saloobin o asal, napakahigpit ng paghawak ni Aramis sa diwa ng pagkakaibigan. Sa katunayan, ang tanging naging maling mga kilos ni Aramis ay nangyari nang tanggihan niyang masaktan ang isang kaibigan (o ang damdamin ng isang kaibigan). Sa Pagkalipas ng Dalawampung mga Taon, sinunod niya ang mga pakiusap ni Athos na huwag saktan si Mordaunt, habang nakaumang sa huli ang kaniyang baril; at sa Le Vicomte De Bragelonne, tinanggihan niyang sawatain si d'Artagnan, nang matuklasan niya ang katotohanan hinggil kay Belle-Ile-En-Mer, at hinayaan niyang pagtaksilan siya ni Fouquet, sa halip na asesinahin ito. Ginawa niya pati na ang pagsasabi ng totoo kay Porthos hinggil sa tunay na katauhan ng lalaking nasa loob ng maskarang bakal, sa kabila ng takot na papatayin siya ni Porthos. Sadyang napaka mahalaga ng pagkakaibigan para kay Aramis, kung kaya't malakas ang pagpapahiwatig nito, sa pagtatapos ng Le Vicomte De Bragelonne, na umiyak siya (sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay) nang mamatay ang isa kaniyang mga kaibigan. Sa paglaon, hayagan niyang sinabi sa isang tao na itinuturing niya ang taong ito bilang isang tunay na kaibigan.
Mga babae nakaugnayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga intriga ni Aramis na pampolitika ay natutumbasan ng (at karaniwang nakaugnay sa) kaniyang mga intrigang pampag-ibig, dahil sa inilagay siya ni Dumas sa isang gampanin bilang mangingibig ng kababaihang makapangyarihan sa pultika noong kaniyang kapanahunan. Sa Ang Tatlong mga Musketero (humigit-kumulang noong 1627), siya ang mangingibig ng Duchesse de Chevreuse (Dukesa ng Chevreuse), ang katapatang-loob o pinagkakatiwalaan ng reyna (at sadyang malakihang nakadepende sa ginto mula sa babaeng ito upang makapamuhay, dahil sa ang suweldo ng militar ay mababa at hindi naibibigay sa takdang oras); habang sa Pagkalipas ng Dalawampung mga Taon, siya ang mangingibig (at, malawakang ipinahihiwatig, bilang ang ama ng anak na lalaki ng) Duchesse de Longueville (Dukesa ng Longueville).
Paggamit ng unang pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang paghahambing sa iba pang mga musketero, si Aramis ay tinutukoy ni Dumas sa pamamagitan ng kaniyang unang pangalan nang dalawang ulit. Maririnig ang pangalang ito nang matuklasan siya ni d'Artagnan na kapiling kaniyang keridang babae sa pangalawang aklat (sa kabanatang "Les Deux Gaspard"), at muli nang tinatalakay ni Bazin ang patungkol kay Aramis sa pangatlong aklat. Sa"Pagkalipas ng Dalawampung mga Taon", siya ay isang Hesuwita na nakikilala bilang si Abbé d'Herblay (subalit mas nagnanais na gamitin ang pamagat na Chevalier d'Herblay). Sa The Vicomte de Bragelonne, nakikilala siya bilang ang Obispo ng Vannes, isang pamagat na ibinigay sa kaniya ni Nicolas Fouquet at sa pagdaka siya ay naging Superyor Heneral ng mga Hesuwita. Nang magbalik siya mula sa paglisan, siya ay isang Kastilang maharlika at embahador na nakikila bilang ang Duke ng Alameda.