Pumunta sa nilalaman

OpenAI

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 15:14, 2 Hulyo 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
OpenAI, Inc.
UriPribado
IndustriyaArtipisyal na intelihensiya
Itinatag11 Disyembre 2015; 9 taon na'ng nakalipas (2015-12-11)
Punong-tanggapanSan Francisco, California, Estados Unidos[1]
Pangunahing tauhan
  • Bret Taylor (tagapangulo)
  • Sam Altman (CEO)
  • Greg Brockman (pangulo)
  • Mira Murati (CTO)
ProduktoOpenAI Five
  • GPT-1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 4o
KitaIncrease US$28 milyon[2] (2022)
Decrease US$−540 milyon[2] (2022)
Dami ng empleyado
c. 1,200 (2024)[3]
Websiteopenai.com

Ang OpenAI ay isang organisasyong Amerikano na nananaliksik ng artificial intelligence (AI, artipisyal na intelihensiya) na itinatag noong Disyembre 2015 kung saan nakahimpil sa San Francisco. Ang misyon nito ay bumuo ng "ligtas at kapaki-pakinabang" na artipisyal na pangkalahatang katalinuhan, na tinutukoy nito bilang "mga sistemang lubos na nagsasarili na higit na nakahihigit sa mga tao sa pinakamahalagang gawain sa ekonomiya".[4] Bilang isang nangungunang organisasyon sa patuloy na pag-usbong ng AI, [5] nakabuo ang OpenAI ng ilang malalaking modelo ng wika, mga masulong na modelo ng pagbuo ng imahe, at dati, naglabas ng mga open-source na modelo.[6][7] Nakredito ang paglabas nito ng ChatGPT sa pagpapasigla ng malawakang interes sa AI.

Ang organisasyon ay binubuo ng di-pangkalakalan na OpenAI, Inc.[8] na nakarehistro sa Delaware at ang kompanyang pampadala kita na subsidiyaryo nito na OpenAI Global, LLC.[9] Pag-aari ng Microsoft ang humigit-kumulang 49% ng ekwidad ng OpenAI, na namuhunan ng $13 bilyon.[10] Nagbibigay din ito ng mga mapagkukunan pang-kompyut sa OpenAI sa pamamagitan ng platapormang cloud na Microsoft Azure.[11]

Noong 2023 at 2024, naharap ang OpenAI ng maraming demanda para sa di-umano'y paglabag sa karapatang-ari laban sa mga may-akda at kumpanya ng midya na ang gawa ay ginamit upang sanayin ang ilan sa mga produkto ng OpenAI. Noong Nobyembre 2023, inalis ng lupon ng OpenAI si Sam Altman bilang CEO kung saan binanggit ang kawalan ng tiwala sa kanya, at pagkatapos ay ibinalik siya pagkaraan ng limang araw pagkatapos ng mga negosasyon na nagresulta sa isang muling itinayong lupon. Mula noon, idinagdag ng lupon ng OpenAI ang dating Kalihim ng Tesorerya ng Estados Unidos na si Lawrence Summers, dating pinuno ng Pambansang Ahensiya ng Seguridad na si Paul Nakasone, at isang upuan na hindi bumoto para sa Microsoft.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "I Tried To Visit OpenAI's Office. Hilarity Ensued". The San Francisco Standard (sa wikang Ingles). Disyembre 20, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 3, 2023. Nakuha noong Hunyo 3, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Woo, Erin; Efrati, Amir (Mayo 4, 2023). "OpenAI's Losses Doubled to $540 Million as It Developed ChatGPT". The Information (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 19, 2023. Nakuha noong Hunyo 19, 2023. In 2022, by comparison, revenue was just $28 million, mainly from selling access to its AI software... OpenAI's losses roughly doubled to around $540 million last year as it developed ChatGPT...{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "OpenAI Sees 'Tremendous Growth' in Corporate Version of ChatGPT". Bloomberg (sa wikang Ingles). Abril 4, 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "OpenAI Charter". openai.com (sa wikang Ingles). Abril 9, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2023. Nakuha noong Hulyo 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Journal, The (Disyembre 10, 2023). "Artificial: The OpenAI Story". WSJ (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 12, 2023. Nakuha noong Disyembre 12, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. gpt-2 (sa wikang Ingles), OpenAI, Nobyembre 19, 2023, inarkibo mula sa orihinal noong Marso 11, 2023, nakuha noong Nobyembre 19, 2023{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Models - OpenAI API". OpenAI (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 19, 2023. Nakuha noong Nobyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "OPENAI, INC". OpenCorporates (sa wikang Ingles). Disyembre 8, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 28, 2023. Nakuha noong Agosto 2, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Our structure". OpenAI (sa wikang Ingles). Hunyo 28, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 29, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Sam Altman Joins Microsoft After OpenAI Ousting". Time (sa wikang Ingles). 2023-11-20. Nakuha noong 2024-06-25.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Roth, Emma (2023-03-13). "Microsoft spent hundreds of millions of dollars on a ChatGPT supercomputer". The Verge (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)