Pumunta sa nilalaman

Mga Sagradong Bundok ng Tsina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 21:39, 2 Hunyo 2024 ni Glennznl (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Pagmamapa ng mga sagradong bundok ng China

Ang mga Sagradong Bundok ng Tsina ay nahahati sa ilang grupo. The Limang Dakilang Bundok (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: yuè) ay tumutukoy sa lima sa mga pinakakilalang bundok sa kasaysayan ng Tsina,[1] at sila ang mga paksa ng imperyal na paglalakbay ng mga emperador sa pagdaos ng panahon. Ang mga ito ay nauugnay sa kataas-taasang Diyos ng Langit at sa limang pangunahing kosmikong diyos ng tradisyonal na relihiyong Tsino. Ang pangkat na nauugnay sa Budismo ay tinutukoy bilang Apat na Sagradong Bundok ng Budismo (四大佛教名山; Sì dà fójiào míngshān), at ang pangkat na nauugnay sa Taoismo ay tinutukoy bilang Apat na Sagradong Bundok ng Taoismo (四大道教名山; Sì dà dàojiào míngshān).

Ang mga sagradong bundok ay lahat naging mahahalagang tunguhin para sa peregrinasyon, ang pananalitang Tsino para sa peregrinasyon (; ; cháoshèng) ay isang pinaikling bersiyon ng isang ekspresyon na nangangahulugang "pagbibigay-galang sa isang banal na bundok" (; ; cháobài shèng shān).

Ang Apat na Sagradong Bundok ng Budismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Templo ng Roushen sa Jiuhua Shan

Sa Budismo ang Apat na "Sagradong Bundok ng Tsina" ay:[2][3][4]

Wǔtái Shān

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Limang-Platapormang Bundok" (五台山), Lalawigan ng Shānxī, 3,058 m (10,033 tal), 39°04′45″N 113°33′53″E / 39.07917°N 113.56472°E / 39.07917; 113.56472

Ang Wutai ay ang tahanan ng Bodhisattva ng karunungan, Manjusri o Wenshu (Tradisyonal: 文殊) sa Tsino.

"Mataas at Matayog na Bundok" (峨嵋山), Lalawigan ng Sìchuān, 3,099 m (10,167 tal).

Ang patron na bodhisattva ng Emei ay si Samantabhadra, na kilala sa Tsino bilang Puxian (普贤菩萨).

Jǐuhuá Shān

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Bundok ng Siyam na Luwalhati" (九华山;九華山), Lalawigan ng Ānhuī, 1,341 m (4,400 tal), 30°28′56″N 117°48′16″E / 30.48222°N 117.80444°E / 30.48222; 117.80444

Marami sa mga dambana at templo ng bundok ay inialay kay Ksitigarbha (kilala sa Tsino bilang Dìzàng,地藏, sa Hapones bilang Jizō), na isang bodhisattva at tagapagtanggol ng mga nilalang sa impiyerno.

Pǔtuó Shān

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Bundok Potalaka (Sanskrito)" (普陀山), Lalawigan ng Zhèjiāng, 284 m (932 tal) 30°00′35″N 122°23′06″E / 30.00972°N 122.38500°E / 30.00972; 122.38500

Ang bundok na ito ay itinuturing na bodhimanda ng Avalokitesvara (Guan Yin), bodhisattva ng habag. Ito ay naging isang tanyag na pook peregrinasyon at nakatanggap ng suportang imperyal noong Dinastiyang Song.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Julyan, Robert Hixson (1984). Mountain names. Mountaineers Books. p. 199. ISBN 9780898860917.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Raj, Razaq and Nigel D. Morpeth (2007). Religious Tourism and Pilgrimage Festivals Management: An International Perspective. CABI. p. 108. ISBN 9781845932251. Sacred Buddhist sites especially evidence this kind of environment, such as Mount Wutai, Mount Jiuhua, Mount Putuo and Mount Emei. The four biggest Taoist mountains – Mount Longhu, Mount Qiyun, Mount Qingcheng and Mount Wudang – are also beautiful and tranquil.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Raj, Razaq and Nigel D. Morpeth (2007). Religious Tourism and Pilgrimage Festivals Management: An International Perspective. CABI. p. 108. ISBN 9781845932251. Sacred Buddhist sites especially evidence this kind of environment, such as Mount Wutai, Mount Jiuhua, Mount Putuo and Mount Emei. The four biggest Taoist mountains – Mount Longhu, Mount Qiyun, Mount Qingcheng and Mount Wudang – are also beautiful and tranquil.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Xi Wen. "A Visit to the Four Sacred Mountains of Buddhism". China Today.
  5. Bingenheimer, Marcus (2016). Island of Guanyin - Mount Putuo and its Gazetteers. London, New York: Oxford University Press. pp. 16–19.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)