Pumunta sa nilalaman

Mae Jemison

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 15:56, 30 Marso 2024 ni Sheena Aloner (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Mae Jemison
Si Jemison noong Hulyo 1992
NASA astronaut
KapanganakanMae Carol Jemison
(1956-10-17) 17 Oktubre 1956 (edad 67)
Decatur, Alabama, U.S.
Panahon sa kalawakan
7d 22h 30m
SeleksiyonNASA Group 12 (1987)
MisyonSTS-47
Sagisag ng misyon
STS-47
PagreretiroMarso 1993

Si Mae Carol Jemison ay isinilang noong Oktubre 17, 1956. Siya ay isang Amerikanong inhinyera, manggagamot, at dating astronot ng NASA. Siya ang naging pinaka-unang babae na may lahing Aprikano-Amerikano na naglakbay sa kalawakan nang magtrabaho siya sa isang espesyal na misyon lulan ng Space Shuttle Endeavor noong 1992. Si Jemison ay sumali sa astronot korps ng NASA noong 1987 at napiling maglingkod para sa misyon ng STS-47, kung saan ang Endeavor ay umikot sa mundo nang halos walong araw noong Setyembre 12 hanggang 20, 1992.

Isinilang sa Alabama at lumaki sa Chicago, natapos ni Jemison ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Standford na may mga degri bilang enhinyera sa larangan ng kemika, gayundin sa Aprikan at Amerikan na pag-aaral. Matapos ito ay nakuha niya ang kanyang degri sa medisina mula sa Unibersidad ng Cornell. Si Jemison ay isang manggagamot sa Korps ng Kapayapaan sa mga bansang Liberia at Sierra Leone mula 1983 hanggang 1985 at nagtrabaho bilang isang pangkalahatang praktisyoner. Sa hangarin na maging isang astronot, nag-aplay siya sa NASA.

Si Jemison ay umalis sa NASA noong taong 1993 at nagtayo ng isang kumpanya na nanaliksik tungkol sa teknolohiya. Di nagtagal, siya ay bumuo ng isang organisasyong pang-edukasyon na walang puhunan at sa pamamagitan nito ay nabuo ang 100 Year Starship, isang proyekto na pinondohan ng DARPA. Si Jemison ay nagsulat din ng ilang mga aklat na pang-bata at ilang beses na lumabas sa telebisyon, kabilang sa mga ito ang kabanata ng Star Trek: The Next Generation noong 1993. Siya ay may hawak na ilang karangalang doktorado at naipasok sa Pambansang Galeriya ng Parangal sa mga kababaihan at sa Pambansang Galeriya ng Parangal sa Kalawakan.