Pumunta sa nilalaman

Pangyayaring malaking oksihenasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 01:49, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Pagtitipon ng O2 sa atmospero ng mundo. Ang mga linyang pula at berde ay kumakatawan sa saklaw ng mga pagtatantiya samantalang ang panahon ay nasusukat ng mga bilyong taong nakakaraan. (Ga).
Yugtong 1 (3.85–2.45 Ga): Walang O2 sa atmospero.
Yugtong 2 (2.45–1.85 Ga): Ang O2 ay nalikha ngunit sinipsip ng mga karagatan at mga batong kama ng karagatan.
Yugtong 3 (1.85–0.85 Ga): Ang O2 ay umahon sa mga karagatan ngunit sinipsip ng mga lupain.
Yugtong 4 & 5 (0.85–present): Ang mga O2 sink ay napuno at ang mga gaas ay natipon.[1]

Ang pangyayaring malaking oksihenasyon o Great Oxygenation Event (GOE) na tinatawag ring Oxygen Catastrophe o Oxygen Crisis o Great Oxidation ang sinanhing biyolohikal na paglitaw ng malayang oksiheno sa atmospero ng mundo. Ang mga ebidensiyang heolohikal, istopiko, at kimikal ay nagmumungkahing ang pagbabagong ito ay nangyari noong mga 2.4 bilyong taong nakakaraan. Ang Cyanobacteria na lumitaw noong mga 200 milyong taon bago ang GOE ay nagsimulang lumikha ng oksiheno sa pamamagitan ng photosynthesis. Bago ang GOE, ang anumang malayang oksiheno na kanilang nalikha ay kimikal na nabibihag ng mga natunaw na bakal o mga materyang organiko. Ang GOE ang punto nang ang mga oksihenong sink at naging saturado at hindi na mabihag ang lahat ng ang mga oksihenong nalilikha ng cyanobacterial photosynthesis. Pagkatapos ng GOE, ang sobrang malayang oksiheno ay nagsimulang magtipon sa atmospero ng mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Holland, Heinrich D. The oxygenation of the atmosphere and oceans. Philosophical Transactions of the Royal Society: Biological Sciences. Vol. 361. 2006. p. 903–915.