Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng agham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 00:45, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)

Ang kasaysayan ng agham ay ang pag-aaral ng kaunlarang pangkasaysayan ng pagkaunawa ng tao sa likas na mundo o kalikasan at sa mga nasasakupan o mga dominyo ng mga agham na panlipunan (agham ng pakikipagkapwa). Ang kasaysayan ng sining at araling pantao ay tinatawag na kasaysayan ng kadalubhasaan. Hanggang sa pagsapit ng ika-20 daantaon, ang kasaysayan ng agham lalo na ang mga agham na pisikal at pambiyolohiya, ay tinitingnan bilang isang salaysay na nagdiriwang ng pagtatagumpay ng tunay na mga teoriya o hinuha hinggil sa mga hindi totoong mga teoriya. Inilalarawan ang agham bilang isang pangunahing dimensiyon ng progreso ng kabihasnan. Sa loob ng kamakailang mga dekada, mga pananaw pagkalipas na kamodernuhan (post-moderno), na natatanging naimpluwensiyahan ni Thomas Kuhn ng kanyang The Structure of Scientific Revolutions ("Ang Kayarian ng mga Rebolusyong Makaagham", 1962), ang kasaysayan ay tinatanaw bilang nasa nagtutunggaling mga paradigmo o mga sistemang pandiwa o konseptuwal na naglalaban-laban o nakikibaka para sa pangingibabaw na pang-intelehensiya (intelektuwal) na nasa loob ng isang mas malawak na "matris" na kinabibilangan ng mga temang pangkarunungan, pangkalinangan, pangkabuhayan (ekonomiko), at pampolitika na nasa labas ng dalisay na agham. Isang bagong pagpansin ang itinoon sa agham o siyensiya na nasa labas ng diwa o konteksto ng Kanlurang Europa. Ang cute ko dai alam mo yon

Ayon kay Thomas Samuel Kuhn,[1] ang bawat isang bagong paradigmo ay muling sumusulat ng kasaysayan ng agham nito upang iharap sa pamamagitan ng pagpili o seleksiyon at distorsiyon (pagbaluktot at pagpilipit) ng nauna o dating paradigmo bilang ninuno nito.

Ang agham ay isang katawan ng kaalamang empirikal, teoritikal, at praktikal (may mga hakbang) hinggil sa likas na mundo, na nililikha ng mga mananaliksik na gumagamit ng mga pamamaraang pang-agham, na nagbibigay ng diin sa pagmamasid (obserbasyon), pagpapaliwanag, at panghuhula (prediksiyon o pagtantiya) ng kababalaghan sa tunay na mundo sa pamamagitan ng eksperimento. Dahil sa dalawang kalagayan ng agham bilang kaalamang obhektibo at bilang isang gawa ng tao, ang mabuting historyograpiya ng ay kumukuha mula sa mga pamamaraang pangkasaysayan ng kasaysayang intelektuwal at ng kasaysayang panlipunan.

Ang pagbabakas ng tumpak na mga simulain ng makabagong agham ay maaaring gawin sa pamamagitan ng maraming mahahalagang mga tekstong nakaligtas at nananatili pa magmula noong kapanahunan ng klasikal na mundo. Subalit, ang salitang siyentipiko (na scientist sa Ingles) kung tutuusin ay kamakailan lamang, na unang ginamit (o inimbento) ni William Whewell noong ika-19 daantaon. Noong dati, ang mga taong nag-iimbistiga ng kalikasan (sumisiyasat sa kalikasan) ay tinatawag ang kanilang mga sarili bilang mga pilosopong pangkalikasan o makakalikasan.

Habang inilalarawan ang empirikal na mga imbestigasyon o pagsisiyasat ng mundo ng kalikasan magmula pa noong kalaunang klasikal (halimbawa na, ni Thales, Aristotle, at iba pa), at ang mga pamamaraang makaagham ay ginamit o inilapat magmula pa noong Gitnang Kapanahunan (halimbawa na, ni Ibn al-Haytham, Abū Rayhān al-Bīrūnī at Roger Bacon), ang pagbubukang-liwayway ng modernong agham ay pangkalahatang binabakas pabalik sa maagang modernong kapanahunan, noong panahong tinatawag bilang Himagsikang Pang-agham na naganap sa Europa noong ika-16 at ika-17 daantaon.

Ang mga pamamaraang pang-agham ay itinuturing na napakapundamental o "likas na pundasyon" ng moderno o makabagong agham kung kaya't ang ilan — partikular na ang mga pilosopo ng agham at mga siyentipikong masisigla sa kanilang larangan  — ay nagtuturing sa mas maaga at mas naunang mga pagsisiyasat at pag-uusisa ng kalikasan bilang pre-siyentipiko o "nauna sa pagiging makaagham". Sa nakaugalian, ang mga manunulat ng kasaysayan ng agham ay nakapagbigay ng sapat na malawak na kahulugan ng agham upang maisama ang mga pagsisiyasat na iyon."[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kuhn, Th., 1962, "The Structure of Scientific Revolutions", University of Chicago Press, p. 137: “Partly by selection and partly by distortion, the scientists of earlier ages are implicitly presented as having worked upon the same set of fixed problems and in accordance with the same set of fixed canons that the most recent revolution in scientific theory and method made seem scientific.”
  2. "For our purpose, science may be defined as ordered knowledge of natural phenomena and of the relations between them." (Para sa aming layunin, ang agham ay maaaring bigyan ng kahulugan bilang maayos na kaalaman ng likas na kababalaghan at ng mga ugnayan sa pagitan ng mga ito.) William C. Dampier-Whetham, "Science", sa Encyclopedia Britannica, ika-11 edisyon. (New York: Encyclopedia Britannica, Inc, 1911); "Science comprises, first, the orderly and systematic comprehension, description and/or explanation of natural phenomena and, secondly, the [mathematical and logical] tools necessary for the undertaking." Marshall Clagett, Greek Science in Antiquity (New York: Collier Books, 1955); "Science is a systematic explanation of perceived or imaginary phenomena, or else is based on such an explanation. Mathematics finds a place in science only as one of the symbolical languages in which scientific explanations may be expressed." David Pingree, "Hellenophilia versus the History of Science," Isis 83, 559 (1982); Pat Munday, ang ipinasok na "History of Science," New Dictionary of the History of Ideas (Charles Scribner's Sons, 2005).