Pumunta sa nilalaman

Bolpen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 13:34, 29 Setyembre 2017 ni WayKurat (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Napipindot na bolpen o retractable ballpoint pen sa Ingles. Binaklas na anyo ang nasa itaas, samantalang nasa ibaba ang muling binuong anyo nito.
Mga parte ng isang hindi napipindot na bolpen.

Ang bolpen (Ingles: ball pen, ballpen, ballpoint pen; tinatawag ding biro [bigkas: /bay-ro/ o /bi-ro/] sa Britaniko at Australyanong Ingles, na nagmula sa imbentor nitong si László Bíró) ay isang makabagong uri ng panulat na may maliit na bolitas o munting bola sa dulo nito na gumaganap bilang tagapagkalat ng malapot na tinta.[1] Nakapaloob ang tinta sa isang mahaba at payat na sisidlan sa loob ng bolpen. Kapag nagsusulat ang isang tao sa pamamagitan nito, lumalabas ang tinta sa loob ng pandulong munting bolitas ng bolpen. Agad na natutuyo ang tinta kapag sumayad sa ibabaw ng papel.

Bago naimbento ang bolpen, kalimitang gumagamit ang mga tao ng mga panulat na isinasawsaw sa tinta, o kaya gumagamit ng mga pontempen na muling pinupunan ng tinta kapag naubos na. Ipinatala ng imbentor na si László Bíró ang kanyang imbensyong bolpen noong 1938.

Ang naghahawak ng tinta o ink reservoir sa Ingles.

Mayroong dalawang uri ng mga bolpen:

  • Mga naitatapong bolpen (Ingles: disposable pen) - mga mura ang halagang bolpen na halos yari sa plastik, at maitatapon pagkaraang magamit o maubos na ang lahat ng laman nitong tinta.
  • Mga nakakargahang bolpen (Ingles: refillable pen) - mga bolpen may mas mataas na kalidad at mas mahal ang halaga, at maaaring mapalitan ang bala o sisidlang nito ng tinta kapag naubos na ang lamang tinta. Nasa medyo murang presyo ang nabibiling pamalit o pampunong lalagyang may tinta.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Ball pen - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.