Pumunta sa nilalaman

Departamento (subdibisyon ng bansa)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 08:21, 3 Marso 2016 ni Bluemask (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)

Ang departamento (mula sa Espanyol; Pranses: département; Ingles: department) ay ang pangalang ibinigay sa administratibo at politikong pangkat ng maraming bansa. Ang mga departamento ay ang mga unang-antas na pangkat ng labing-isang bansa, siyam sa Amerika at dalawa sa Aprika. Sampung karadagang na bansa ay gumagamit ng mga departamento bilang pangalawang-antas na pangkat, walo sa Aprika, isa sa Amerika, at isa sa Europa.

Bilang isang yunit pang-teritoryo, ang "departamento" ay unang ginamit ng rebolusyonaryong pamahalaan ng mga Pranses, tila para bigyang-diin na ang bawat teritoryo ay isang administratibong subdibisyon ng nagkaisang soberanyang bansa. (Ang terminong "departamento", sa ibang konteksto ay nangangahulugang isang administratibong subdibisyon ng isang mas malaking organisasyon.) Itong tangka na hindi bigyang-diin ang lokal na politikong pagkakakilanlan ay may malaking pagkakaiba sa ibang bansa na hinati sa mga "estado" (nagpapahiwatig ng lokal na soberanya).

Ang paghahati sa Pransiya sa mga departamento ay isang proyektong kinilala ng rebolusyonaryong lider ng mga Pranses na si Abbe Sieyes, kahit na ito ay palaging napag-uusapan at napagsulatan ng maraming pulitiko at mang-iisip. Ang pinakamaagang pagmumungkahi nito ay mula pa noong 1764 sa mga sulat ni d'Argenson.