Pumunta sa nilalaman

Melusina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 07:08, 18 Disyembre 2013 ni Maskbot (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Si Konde Raymond ng Lusignan (nasa kaliwa) Melusina (nasa kanan).

Si Melusina o Melisande (Ingles: Melusine, binabaybay ding Mélusine[1] Melusina, o Melisande[1]) ay isang tauhan sa mga alamat at kuwentong-bayan ng Europa. Isa siyang espiritung babae ng mga katubigang-tabang sa banal na mga bukal at mga kailugan. Kalimitan siyang inilalarawan bilang isang babaeng may bahaging tao sa itaas at ahas o isda magmula sa baywang paibaba, na may pagkakatulad sa isang sirena. Kung minsan, iginuguhit siyang may mga pakpak at dalawang mga buntot.

Partikular na isang midyibal at Pranses na alamat ang salaysay ukol kay Melusina. Isa siyang diwata ng tubig na sinasabing ninuno ng mga "Kabahayan" o angkan ng Lusignan, Rohan, Luxembourg, at Sassenaye.[1]

Batay sa kuwentong isinulat ni Jean d'Arras noong 1387, ibinilanggo ni Melusina ang kanyang ama sa isang bundok. Dahil sa nagawa niyang ito, pinarusahan si Melusina: na tuwing Sabado, nagiging isa siyang diwatang pangtubig, na kalahating tao at kalahating ahas. Naglaho ang tibay ng pagkakasal niya kay Raymond, ang Konde ng Lusignan, nang hindi tumupad si Raymond na hindi ito makikipagkita kay Melusina tuwing araw ng Sabado (ang araw kung kailan nagiging diwata ng tubig si Melusina). Kinailangan iwanan ni Melusina si ang konde, at naitadhana si Melusina na magpagalagala bilang isang espiritu.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Mélusine, Melisande". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa 589.


MitolohiyaPransiyaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Pransiya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.