Daang Radyal Blg. 7

Daang Radyal Blg. 7
R-7
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Bulebar Espanya; Abenida Quezon; Abenida Commonwealth; Lansangang Quirino (bahaging San Jose del Monte, Bulacan)
Timog-kanlurang dulo: Bulebar Quezon sa Maynila
Hilaga-silangang dulo: Daang Norzagaray–Santa Maria sa Norzagaray, Bulacan

Ang Daang Radyal Bilang Pito (Ingles: Radial Road 7), na itinakda bilang R-7, ay isang pinag-ugnay na mga daan at lansangan sa Kalakhang Maynila na umuugnay sa mga lungsod ng Maynila, Lungsod Quezon, at San Jose del Monte, at bayan ng Norzagaray. Isa ito sa mga sampung daang radyal ng Kamaynilaan na nag-uugnay ng Maynila sa mga karatig-lalawigan nito.

Mga bahagi ng Daang Radyal Blg. 7

baguhin

Kalye Lerma (Lerma Street)

baguhin

Ang Kalye Lerma ay ang daang nag-uugnay ng Bulebar Quezon (R-8) at Bulebar Espanya.

Bulebar Espanya (España Boulevard)

baguhin

Ang Bulebar Espanya ay isang kilalang daang arteryal at lansangan ng Maynila na may walong landas na nagsisimula sa sangandaan ng Kalye Lerma at Kalye Nicanor Reyes at nagtatapos sa Mabuhay Rotonda sa Lungsod Quezon. Dumadaan ito sa mga pinakahilagang bahagi ng University Belt, kasama na ang Pamantasan ng Santo Tomas (UST) at Paaralang Sekundarya ng Ramon Magsaysay (RMHS). Paglampas ng RMHS, dumadaan ito sa mga pook pangkomersiyo at papamahayan ng Sampaloc.

Abenida Quezon (Quezon Avenue)

baguhin

Nagsisimula ang Abenida Quezon mula sa Mabuhay Rotonda at nagtatapos sa Daang Elliptical. Isa ito sa pinakamahalagang mga lansangan ng Lungsod Quezon. Dumadaan ito sa pinakapusod ng lungsod, at nakalinya rito ang mga punong palma, gusaling pampamahalaan, at mga nightclub. Karamihan sa mga sangandaan nito ay ginagamitan ng sistemang palitan. Isa ito sa pinakamaginhawang mga lansangan ng lungsod noon, ngunit nararanasan ito ngayon ang mabigat na daloy ng trapiko mula noong itinayo ang G. Araneta Avenue Underpass sa sangandaan ng abenida sa Abenida Gregorio Araneta.[1]

Daang Elliptical (Elliptical Road)

baguhin
 
Daang Elliptical kasama ang QMC

Ang Daang Elliptical ay isang rotonda na may walong landas at lumilibot sa Quezon Memorial Circle (QMC). Tutuloy ang R-7 paglampas ng Daang Elliptical bilang Abenida Commonwealth.

Abenida Commonwealth (Commonwealth Avenue)

baguhin

Ang Abenida Commonwealth ay isang lansangan na may 18 landas (pinakamalawak sa buong Pilipinas). Nagsisimula ito sa Daang Elliptical at nagtatapos ito sa sangandaan ng Lansangang Quirino.

Lansangang Quirino (Quirino Highway)

baguhin
 
Lansangang Quirino malapit sa Hilagang Caloocan

Ang Lansangang Quirino ay isang lansangan na may apat hanggang walong landas at dumadaan sa mga palengke, pamilihan, at establishimyenyong pang-industriya ng Novaliches, Pasong Putik, at Greater Lagro. Ang bahagi ng lansangan mula sa sangandaan ng Abenida Commonwealth hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan ay itinakda bilang bahagi ng R-7.

Daang San Jose Del Monte–Norzagaray (San Jose del Monte–Norzagaray Road)

baguhin

Paglampas ng sangandaan ng Daang Vilarama sa Barangay Bigte, Norzagaray, magiging Daang San Jose Del Monte–Norzagaray ang R-7. Ito ang pinakahuling bahagi ng R-7 sa ngayon, at nagtatapos ito sa Lansangang Heneral Alejo Santos sa kabayanan ng Norzagaray.

North Luzon East Expressway

baguhin

Ang North Luzon East Expressway (NLEx East o NLEE) ay isang ipinaplanong mabilisang daanan sa pulo ng Luzon na may apat na landas at haba na 92.1 kilometro. Magsisimula ito sa San Jose del Monte, Bulacan, at magtatapos ito sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Inaasahan na ito'y magiging mahalagang rutang pantransportasyon sa silangang koridor ng Gitnang Luzon, magpapagaan ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Pan-Philippine Highway sa Bulacan at Nueva Ecija, at magbibigay ng mas-mabilis na ruta papuntang Nueva Ecija at Lambak ng Cagayan (Region II).[2]

Mga Panukalang Panghinaharap para sa Daang Radyal Blg. 7

baguhin

Ang ipinapanukalang MRT-7 ay ipinasya na itatayo sa Abenida Commonwealth, Abenida Regalado at Langsangan Quirino na magbubukas sa Abril 2020.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Antonio, Raymund. "Quezon Avenue underpass project up". Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 24, 2012. Nakuha noong Marso 10, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "NLEX East Expressway, Phase I and II". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-27. Nakuha noong 13 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sauler, Ericka. "MRT 7 to Bulacan finally breaks ground". newsinfo.inquirer.net. Nakuha noong 22 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)