Banal na Awa (larawan)
Ang Ang Banal na Awa[1] o Ang Mabathalang Awa[2] (Ingles: The Divine Mercy) ay isang dibuho ni Hesus. Ipinapakita ng larawang ito si Hesus na habang iniaangat ang kaniyang kanang kamay bilang kumpas ng pagbabasbas at itinuturo naman ang kaliwang kamay sa kaniyang dibdib kung saan dumadaloy ang dalawang sinag: isang pula at isang puting naaaninag. Mayroong tatlong kilalang bersiyon ang larawang ito. Naglalaman yung litratong ginawa ni Adolf Hyla ng isang pabatid na "Hesus, Nananalig Ako sa Iyo"[3] (Ingles: Jesus, I trust in you; sa orihinal na Polako: Jezu ufam Tobie) sa ilalim ng larawan upang pagdiinan ang kahulugan ng wangis ni Hesus. May kahulugang sinasagisag ang mga sinag: pula para dugo ni Hesus, ang buhay ng mga kaluluwa; at ang puti para sa tubig na nagbibigay katarungan para sa kaluluwa. Sa kabuoan, sinasagisag ng larawan ang awa, pagpapatawad at pag-big ng Diyos.
Ayon sa pang-araw-araw na talaan ni Santa Mary Faustina Kowalska, ibibigay ni Hesus ang natatangging proteksiyon at awa sa anumang lungsod na tatangkilik sa imahen at anumang tahanan na maglalantad dito bilang palamuti sa altar. Sa kasalukuyan, nasa altar ng Santwaryo ng Banal na Awa sa Vilnius, Lithuania ang orihinal na larawan.[4]
Unang larawan
baguhinAng unang dibuho ay ipininta ni Eugeniusz Kazimirowski, sa ilalim ng pangangasiwa ng madre at santa Faustina Kowalska at ng kaniyang kumpesor na si Michal Sopocko, sa Wilno noong 1934. Inaamin niya na nagmula ang utos ng pagpapagawa ng larawan mula mismo kay Hesukristo.
Pangalawang larawan
baguhinGinawa ni Adolf Hyla ang pangalawang dibuho bilang isang pag-aalay. Sa pamamagitan ng pagguhit at pagpipinta ng litratong ito, ipinadama ni Hyla ang kaniyang pasasalamat at utang na loob sa pagkakasagip at pagpapanatali ng buhay ng kaniyang mag-anak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naiiba ang larawang kinatha ni Hyla mula sa kay Kazimirowski's. Ipinahiwatid ni Hyla sa kaniyang likha na si Hesus ay isang "banal na manggagamot", na naglalakad sa Lupa at gumagamot sa mga tao. Hindi nakatayo ang kaniyang Hesus ng Banal na Awa, bagkus papalapit ito sa tumitingin. Labis na nakataas ang kanang kamay ni Hesus at tumititig siya sa mga mata ng nagmamasid. Inilalarawan ng orihinal na dibuhong Hyla si Hesus na nasa harapan ng isang tanawin pambukid ngunit tinanggal nang lumaon dahil sinasabing "hindi liturhikal". Tinatawag ding "Imahen ng Banal na Awa ng Kraków" ang bersiyon ni Hyla sapagkat nakalagak ito sa Santwaryo sa Kraków-Łagiewniki.
Pangatlong larawan
baguhinAng ikatlong imahen na nagkamit ng kasikatan ay ang larawan ipininta ng Amerikanong artista ng sining na si Robert Skemp noong mga dekada ng 1970.[5]. Inilarawan ni Kempt si Hesus na nakatayo sa harap ng isang may arkong pintuan, na may bilog na liwanag sa ulunan. Ang bersiyong ni Kempt, kasama ang kay Hyla, ang madalas na makikitang imahen ng Mabathalang Awa sa Pilipinas, kung saan buhay ang debosyon para sa Banal na Awa.
Sanggunian
baguhin- ↑ Banal na Awa: The Feast of the Divine Mercy, Family Rosary Crusade on Video, Geocities.com
- ↑ Miracles of the Divine Mercy Through Apo Conching, ApoDivineMercy.com (Tagalog at Ingles) - Panalangin para sa Mabathalang Awa
- ↑ Mula sa polyeto/poster na dasalan para sa Divine Mercy, Shrine of the Divine Mercy, Lungsod ng Tarlak (Inaprubahan ni Reb. Florentino F. Cinense, D.D., obispo ng Tarlak, at Reb. Pr. Rodriguez, espirtwal na direktor).
- ↑ Ang Imahen ng Mahabaging Hesus Naka-arkibo 2008-07-08 sa Wayback Machine., Gailestungumas.lt (Latin)
- ↑ "Larawang ENID, "Divine mercy image", ang mga bersiyon ng larawan ng Banal na Awa: Imaheng Vilnius (1946), Imaheng Hyla, Imaheng Skemp, at si Santa Faustina na hawak ang Imaheng Vilnius". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-16. Nakuha noong 2008-07-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)