Ang anthrax, lagnat ng pali, o lagnat na ispleniko (Ingles: anthrax, splenic fever) ay isang uri ng karamdaman. Nakukuha ito ng kapwa mga tao at mga hayop. Sinasanhi ito ng bakteryum na bacillus anthracis. Karaniwan ito sa mga ungguladong pantay ang bilang ng mga daliri sa paa (ilang mga nilikha na unggulado, katulad ng mga kamelyo at mga giraffe). Ang mga putaki ng bakterya ay maaaring mabuhay sa loob ng daan-daang mga taon. Karaniwang nakukuha ng mga tao ang sakit na ito magmula sa mga hayop. Karaniwang hindi ito naipapasa magmula sa isang tao papunta sa isa pang tao. Maaaring gamutin ang anthrax sa pamamagitan ng mga antibiyotiko. Mayroon ding bakuna laban sa anthrax. Kapag hindi nagamot, ang anthrax ay nakamamatay.

Ang bakteryang nagdurulot ng sakit na Anthrax.

Mga uri ng anthrax

baguhin

Mayroong 89 na iba't ibang mga uri ng anthrax. Isa sa mga ito ay ang lahing Ames, na ginamit laban sa Estados Unidos noong 2001 bilang isang sandatang biyolohikal.

Kasaysayan

baguhin

Mga silakbo

baguhin

Noong 2 Abril 1979, nagkaroon ng pagtakas ng bakteryang anthrax mula sa isa sa mga plantang nasa labas ng Sverdlovsk,[1] isang plantang gumagawa ng anthrax noong panahon ng Digmaang Malamig. Sinisi ng USSR ang mga pagkamatay sa ibang lahi ng anthrax na nakuha ng mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng karneng naimpeksiyunan. Subalit, ipinahayag pagdaka na ang biglang paglitaw ng anthrax ay dulot ng isang hindi sinasadyang pagpapalabas ng bakterya mula sa isang plantang kanugnog na nagpapaunlad ng mga sandatang biyolohikal para sa USSR.[2]

Noong Setyembre 2001, ilang mga liham na naglalaman ng anthrax ang ipinadala sa ilang mga kompanya ng midya at mga senador sa Estados Unidos. Ang pag-atake ay kaugnay sa mga paglusob na nangyari noong 11 Setyembre 2001 sa Estados Unidos, na naganap ilang araw mga araw bago nagsimula ang paglusob.

Mga panloloko

baguhin

Nagkaroon ng maraming mga kaso ng pekeng pulbos na natagpuan sa loob ng mga sobre.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Meselson, M (Nobyembre 18, 1994). "The Sverdlovsk anthrax outbreak of 1979". National Library of Medicine:National Center for Biotechnology Information. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "frontline: plague war: the 1979 anthrax leak". pbs.org. Nakuha noong 14 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)