Ang Digmaan ng Mesiyas

Ang Digmaan ng Mesiyas ay isang serye ng mga pragmento na matatagpuan sa Dead Sea Scrolls na naglalarawan sa konklusyon ng isang digmaan na pinamumunuan ng Pinuno ng Kongregasyon. Ito ay kinabibilangan ng 4Q285 na tinawag ng ilan na "teksto ng tinusok na mesiyas" Ito ay posibleng ang konklusyon ng Iskrolyo ng Digmaan.

Ang pragmentong 4Q285 na tinawag ng ilan na "teksto ng tinusok na Mesiyas" ay isinulat sa iskriptong Herodiano noong unang siglo at tumutukoy sa "tuod ni Jesse" na Mesiyas na mula sa sanga ni David at nauukol rin sa paghatol at paglilinis ngn lupain ng mga sundalo ng Mesiyas. Ang Hebro ay pangunahing binubuo ng mga katinig at ang mga patinig ay sinusuply ng bumabasa. Ang mga angkop na patinig ay depende sa konteksto at maaaring isinalin bilang "Ang Prinsipe ng Kongregasyon, ang Sanga ni David ay papatay sa kanya" o maaari ring basahing ang "At kanilang pinatay ang Prinsipe".Dahil sa ikalawang pagbasa ng ilan, ito ay tinawag na "Teksto ng tinusok na Mesiyas". Ang inaayunan ng karamihan ng mga iskolar ay ang unang pagbasa na nagpapahiwatig ng isang pagtatagumpay ng Mesiyas.

Tamang salin ayon sa karamihan ng mga iskolar

baguhin

(Serekh ha-Milhamah) 4Q285 (SM) batay sa Israel Antiquities Authority (12)

[...]Si Isaias ang propeta: [ang mga kasukalan ng kagubatan] ay mapuputol [ ng isang palakol at ang Lebanon ng isang maringal ay b]abagsak. At may isang aahon mula sa tuod ni Jesse[] ang Sanga ni David at sila ay hahatol kasama [] at ang Prinsipe ng Kongregasyon, ang Sang[a ni David] ay papatay sa kanya[ sa pamamagitan ng mga paghataw] at mga sugat. Ang ang Saserdote [ ng kasikatan(?) ay mag-uutos ng p[agpas[lang] ng Kitti[m] (Roma).

Salin ni Wisenman at Wise

baguhin
[...]Si Isaias ang propeta: [ang mga kasukalan ng kagubatan] ay babagsak sa pamamagitan ng palakol at ang Lebanon ay b[abagsak]] ng isang makapangyariah] Ang isang tungkod ay aahon mula sa ugat ni Jesse[at ang pagtatanim mula sa kanyang mga ugat ay magbubunga...ang Sanga ni David. Sila ay hahatol kasama [...] at kanilang papatayin ang Prinsipe ng Kongregasyon, ang Sang[a] ni David.. at ng mga sugat, at ang (dakilang) saserdote ay maguutos[... ang p[agpas[lang] ng Kitti[m].