Benetice (Světlá nad Sázavou)
Appearance
Ang Benetice ay isang maliit na nayon malapit sa bayan ng Světlá nad Sázavou sa (Republikang Czech).
Dating mayroong isang pabrika ng salamin o bote sa Benetice. Wala na ito ngayon subalit nagmula sa pabrikang ito ang ilang mga kapangalanang pampook, tulad ng Na sušírnách o Sklárenský rybník (tawag sa isang lawa). Mayroong isang kampong pang-rekreasyon din sa Benetice na ginamit ng mga "piyonero", isang grupo sa republikang Czech, at ginamit rin ng mga kabataan mula sa Hungary, Poland, at Alemanya.
May isang punong linden (punong Tilia) sa damuhan ng Benetice, na itinanim noong 1945. At matatanaw mula sa Benetice ang kastilyong Lipnice.
Kasaysayan ng pangalan ng nayon
[usba | usba ang wikitext]- 1375 - bilang Beneczicze
- 1787 - bilang Benetitz