Collection Agencies: Tinatawagan nila ang mga kaibigan ko

Mayroon ka bang utang laban sa isang lending company, credit card, o online lending app? Na-miss mo ba ang iyong pagbabayad, at patuloy silang tumatawag sa iyong mga "references"?

Na-access ba nila ang iyong listahan ng contact at patuloy and pagtawag sa inyong mga kaibigan? Tumatawag ba sila sa inyong pinagtratrabahuan? Nagme-message ba sila sa mga kaibigan mo sa FB at iba pang social media account tungkol sa utang mo?

Alam ko ang pakiramdam na ito at alam kung gulong gulo ka dahit dito. This additional stress. This type of practices ay palaging nagpapababa sa dignidad ng isang tao.

Ngayon ang tanong, may karapatan ba itong mga lending company o collectors na gawin ito?



Ang malaking sagot ay "HINDI". Ito ay talagang isang paglabag sa DATA PRIVACY ACT at isa sa mga tinukoy na illegal na gawain ng mga nagpapahiram na kumpanya. 

Can agent or personnel of the lending company or collections agency contact the persons (or the so-called references) in the borrower’s contact list? And even if the borrower gave consent? 

In short, maaari bang makipag-ugnayan ang ahente o tauhan ng lending company or collection agency sa mga sa listahan ng iyong contacts or references para sabihin na may utang ka? 

The answer is "HINDI". This is a way shaming you. Kahit na nagbigay ng pahintulot ang nanghihiram, ipinagbabawal ng SEC MC 18 ang pakikipag-ugnayan sa sinuman sa kanilang listahan ng contact (bukod sa mga guarantor o co-maker). Ang ganitong aksyon ay maituturing na isang hindi makatarungang pamamaraan sa pangongolekta ng utang. 

The National Privacy Commission (NPC) also released Circular No. 20-01, titled Guidelines on the Processing of Personal Data for Loan-Related Transactions, which forbids online lenders from accessing email or contact lists for the purpose of harassing the borrower or his or her contacts. 

This means na ipinagbabawal sa mga online na nagpapahiram na mag-access ng mga listahan ng email o contact para sa layunin ng panggigipit sa nanghihiram o sa kanyang kanyang mga contact.

If you are experiencing this, then please file a report with the NPC as this is a big violation of the DATA PRIVACY ACT. You can also file a complaint with the different agencies below. 


National Privacy Commission (NPC) via [email protected]
Philippine National Police Anti-Cybercrime Group via [email protected] and [email protected];
National Bureau of Investigation Cybercrime Division via their official Facebook page; and
Department of Justice – Office of Cybercrime via [email protected].
 

The DOJ Office of Cybercrime flagged the illegal debt collection tactics of online lending organizations on April 23, 2021, citing an increase in the volume of reports it has been receiving. The government stated in its public advisory that a number of regulations forbid these internet businesses from accessing the debtor's phone contacts, displaying their personal information, threatening them with physical harm or death, or using profanity.

11 Comments

  1. Malaking problema ko talaga to. Tinatawagan nila lahat sa opisina. Nahihiya na ako na pumasok.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Its really unfortunate po na nangyayari to sa iyo. These collectors don't have the right to do this. Sa susunod ay kunin niyo lahat ng ebidensya. I-report niyo po ang law firm or ang collections agency na tawag ng tawag sa mga katrabaho mo. As stated po dito sa article, bawal po yung ginagawa nila.

      Delete
  2. Hi po. Defaulter po ako ng mga credit cards since 2018, three credit cards. Medyo nalampasan ko po yong fear sa mga tumatawag sa akin kasi tagal ng hindi nagpaparamdam. Pero last august lang pati asawa ko nakakatanggap ng message request asking kung kilala Ako. Single po Ang status ko sa lahat ng card ko. Natatakot po ako na baka lahat Ng friends ko me-message nila. Please help any advice po. Thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na po at huling huli po yung reply ko dito. May data gathering team po ang mga Collection Agents. Yung mga law firm meron po mga tinatawag na clerks or paralegal na yung task po ay humanap ng information tungkol sayo at mas madali ito ngayon dahil sa internet. General rule talaga ngayon is maging maingat tayo sa ano mang information i popost natin sa social media at websites. If they are messaging your friends, you can file a complaint.

      "Ipinagbabawal ng SEC MC 18 ang pakikipag-ugnayan sa sinuman sa kanilang listahan ng contact (bukod sa mga guarantor o co-maker). Ang ganitong aksyon ay maituturing na isang hindi makatarungang pamamaraan sa pangongolekta ng utang.

      The National Privacy Commission (NPC) also released Circular No. 20-01, titled Guidelines on the Processing of Personal Data for Loan-Related Transactions, which forbids online lenders from accessing email or contact lists for the purpose of harassing the borrower or his or her contacts."

      You can file a complaint with NPC regarding these people.

      Delete
  3. Need po advise. I have 80k unpaid debt sa RCBC, nag email po ako sakanla if I can settle my acct for 30k, ibebenta ko lang po sana ung laptop ko pra makapag provide ng amt na un pra sa peace of mind ko, nasstress na din po kasi ako sa collectors na panay tawag. Kaso decline po ung request ko and they are asking for 60k to close my acct, sa pagkakatanda ko wala pa nga po 20k ung utang ko, lumaki na lang dahil sa interest, any tips po kaya pano maaproved request ko? or hintayin ko na lang hanggang sa pumayag sila sa amount na gusto ko? thank you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi po, if nasa collector po ito. mahirap maki negotiate. Bakit? Kasi dun sila kumikita. Ayaw nila magbigay ng discount at mas gusto nila 10,000 per ay ang bayad. Advise ko lang wag kang pumayag sa small payments. Dapat full. Kung kaya mo, maghintay ka na mag end ang contract ng CA at banko. then deal directly with the bank. they tend to provide discounts.

      Delete
  4. Help po naman tumatawag sila sa office ko hinahanap ako. sinabihan pa katrabaho ko na may utang ako sa kanila at kailangan i-contact daw ako? ano po magagawa ko? bibisita daw sa office namin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi po, i-report niyo po yung contact number at pangalan ng firm sa NPC at cybercrime division ng NBI. Kasi po baw po yung ginagawa nila. Kahit na nagbigay ng pahintulot ang nanghihiram, ipinagbabawal ng SEC MC 18 ang pakikipag-ugnayan sa sinuman sa kanilang listahan ng contact (bukod sa mga guarantor o co-maker). Ang ganitong aksyon ay maituturing na isang hindi makatarungang pamamaraan sa pangongolekta ng utang.

      Sa office, hindi naman sila papasukin. Kung may naghahanap sayo, ipatanong mo mga pangalan. Tapos kung di mo kilala, wag mong siputin o sabihin mo na after office ka lang makaka usap. This is my advise only.

      Delete
  5. Paano po nila nakukuha mga contacts ko? Natatawagan at namemessage nila mga kailbigan ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If LOAN apps po ito. They do a backdoor tracking sa phone mo. They require you to let them allow access your contacts. Then may lista na sila kung sino kanilang tatawagan. Purely illegal po at dapat ireklamo sa NBI at agencies, etc.

      Delete
    2. ganito po din nangyayari sa akin. tinatawagan ex ko pati pamilya niya. nakakahiya. t*ng-in* na H*me cr*d*t na yan! ano po ba magagawa ko para matigil sila?

      Delete
Post a Comment
Previous Post Next Post