Pinagsama ang proactive na seguridad at advanced na proteksyon.
Mahusay at proactive na proteksyong built-in na sa Android device mo para makatulong na panatilihing ligtas ang iyong data.
Mga panseguridad na feature na nangunguna sa industriya hatid ng Android.
-
Proteksyon laban sa spam at phishing
Tumulong na panatilihing ligtas ang iyong data laban sa mga spammer at kahina-hinalang site. -
Proteksyon sa app
Mga proactive na pag-scan ng device at alerto para sa mas maigting na seguridad. -
Mga secure na pagbabayad
Protektahan ang iyong mga pagbabayad gamit ang makabagong seguridad.
Proteksyon laban sa spam at phishing
Iwasan ang mga spammer at kahina-hinalang site.
Awtomatikong i-filter ang mga mensahe ng spam at phishing at i-screen ang mga spam na tawag. Kampanteng mag-browse sa web dahil alam mong magbababala sa iyo kung bibisita ka sa natukoy na mapanganib na site.
Subukan ang Google MessagesGoogle Play Protect
Tuloy-tuloy na proteksyon laban sa malware at mapaminsalang app.
Sinusuri ang lahat ng app bago gawing available para i-download ang mga ito. At nakakatulong ang pag-scan araw-araw para i-disable ang anumang malware at mapaminsalang app na mahahanap sa iyong device.
Magsagawa ng scan sa deviceMga update sa seguridad
Makakuha ng seguridad na palaging ina-update.
Nagbibigay ang mga tuloy-tuloy na update ng mga pag-aayos para sa mga posibleng isyu at ina-upgrade ng mga ito ang mga pangkaligtasang feature ng iyong device para makatulong na labanan ang mga kasalukuyang banta.
Matuto tungkol sa mga update sa seguridadSeguridad ng Google account
Manatiling ligtas online.
Pinoprotektahan ng Google ang iyong account sa pamamagitan ng pag-encrypt ng data mo at pag-aalerto sa iyo tungkol sa mga kahina-hinalang pag-log in. Nakakatulong ang Google Password Manager na panatilihing ligtas ang iyong mga password at nagdaragdag ang 2-step na pag-verify ng isa pang layer ng proteksyon.
Magsagawa ng pagsusuri sa seguridadMga secure na pagbabayad
Proteksyon sa pagbabayad na nangunguna sa industriya.
Built-in ang seguridad at privacy sa bawat bahagi ng Google Wallet para panatilihing protektado ang mahahalaga mong bagay. Ine-encrypt ng Google Pay ang lahat ng pagbabayad at hindi nito kailanman ibinabahagi ang numero ng card mo.
Subukan ang Google WalletProteksyon ng data
Panatilihing ligtas at naka-back up ang iyong data.
Secure na ine-encrypt ang data ng iyong device gamit ang PIN, pattern, o password. At awtomatikong bina-back up ang lahat sa cloud para madali mo itong ma-restore sa bagong device kung mawala mo ang dating device.1
Matuto tungkol sa pag-back up ng deviceMga Telepono
Hanapin ang teleponong tamang-tama para sa iyo.
Pumili ng mga telepono mula sa mga paborito mong brand, na may mga kapaki-pakinabang na feature mula sa Google ang lahat.
Mag-explore ng mga Android PhoneLumipat sa Android
Ngayon lang naging ganito kadaling lumipat.
Secure na ilipat ang iyong mga larawan, video, mensahe, at higit pa mula sa iPhone mo papunta sa iyong bagong Android phone.
Lumipat naMagtakda ng mga hangganan ng privacy
Mas kontrolin pa ang iyong privacy.
Walang kahirap-hirap na pamahalaan kung paano ibinabahagi at ginagamit ang iyong data. I-access ang lahat ng iyong setting ng privacy sa iisang lugar at walang hirap na baguhin ang mga pahintulot sa tuwing gusto mo.
I-personalize ang iyong experience sa privacy