Pumunta sa nilalaman

Sodyak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Zodyak)
Mga sagisag ng Kanluraning sodyak.
Mga sagisag na hayop ng Sodyak na Intsik.

Sa larangan ng astrolohiya, ang sodyak[1] (Ingles: zodiac) ay ang nilalakaran ng araw[2] sa loob ng isang taon. Sa paningin ng mga astrologo, ang araw ay bumabaybay sa kalangitan at may mga partikular na pangkat ng mga bituin na dinadaanan dito. Ang mga pangkat ng mga bituin na ito ay mga sagisag[1] ng mga hayop: gaya ng kambing (Aries), Leon (Leo), Alimango (Cancer), Alakdan (Scorpio)o di naman kaya ay tao: gaya ng Birhen (Virgo), Taga-igib ng tubig (Aquarius), Nanunudla (Sagittarius) o di naman kaya ay bagay: gaya ng Timbangan(Libra).

Para sa mga sinaunang astrologo, mas maganda nga namang pangalan na lang ang buong sagisag o signo - gaya halimbawa ng Aries, kesa nga naman isa-isahin yung bituin na bumubuo ng signo ng Aries. May apat na bituin na bumubuo ng Signo ng Aries at ito ang Hamal, Sheratan, Mesartim at 41 Arietis. Isipin mo na lang kung sasabihin ng Astrologo: "ang araw ay ngayon ay nasa katabi ng Sheratan, at sa makalawa ay nasa Mesartim na ito." Mas madaling memoryahin ang 12 signo ng sodyak, kesa pangalan lahat ang halos daang-daang bituin sa kalangitan.

Napansin din ng mga astrologo na kapag nakikita na nilang binabaybay ng "buntalang" araw ang signo ng Aries, nagsisimula na ang Tagsibol. Kapag nasa signo na siya ng Alimango Cancer, Tag-init na siya, at kapag nasa signo na siya ng Timbagan (Libra) ay Taglagas. Ang sodyak ang naging basehan ng mga kalendaryo at ng mga pagtatanim.

Magkaiba ang sagisag ng sodyak ng tradisyong Kanluranin at sa mga Tsino. Kung ang sa mga taga-Kanluran ay sa mga dibuho o imahe na nakikita nila sa mga bituin. Ang sa mga Tsino ay batay sa kanilang relihiyong Budismo.

Mga Kanluraning Sodyak

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Signo Panahon ng Pagdaan ng Araw Eksaktong Oras sa Pilipinas
Aries 20 Marso 2013 (0 degri Aries) 7:02 ng gabi
Taurus 20 Abril 2013 (0 degri Taurus) 6:03 ng umaga
Gemini 21 Mayo 2013 (0 degri Gemini) 5:09 ng umaga
Cancer 21 Hunyo 2013 (0 degri Cancer) 1:04 ng hapon
Leo 22 Hulyo 2013 (0 degri Leo) 11:56 ng gabi
Virgo 23 Agosto 2013 (0 degri Virgo) 7:02 ng umaga
Libra 23 Septembre 2013 (0 degri Libra) 4:44 ng umaga
Scorpio 23 Oktubre 2013 (0 degri Scorpio) 2:10 ng hapon
Sagittarius 22 Nobyembre 2013 ((0 degri Sagittarius) 11:48 ng umaga
Capricorn 22 Disyembre 2013 (0 degri Capricorn) 1:11 ng umaga
Aquarius 20 Enero 2014 (0 degri Aquarius) 11:51 ng umaga
Pisces 19 Pebrero 2014 (0 degri Pisces) 1:59 ng umaga

Mga Silangang Sodyak

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Signo Panahon Petsa Direksyon
Tigre Tagsibol 4 Pebrero - 5 Marso Hilagang Silangan (NEE)
Kuneho 6 Marso - 4 Abril Silangan (East)
Dragon 5 Abril - 4 Mayo Timog Silangan (SEE)
Ahas Tag-init 5 Mayo - 5 Hunyo Timog Silangan (SSE)
Kabayo 6 Hunyo - 6 Hulyo Timog (South)
Kambing 7 Hulyo - 6 Agosto Timog Kanluran (SSW)
Unggoy Taglagas 7 Agosto - 7 Setyembre Timog Kanluran (SWW)
Tandang 8 Setyembre - 7 Oktubre Kanluran (West)
Aso 8 Oktubre - 6 Nobyembre Hilagang Kanluran (NWW)
Baboy Taglamig 7 Nobyembre - 6 Disyembre Hilagang Kanluran (NNW)
Daga 7 Disyembre - 5 Enero Hilaga (North)
Baka 6 Enero - 3 Pebrero Hilagang Silangan (NNE)
  1. 1.0 1.1 Garapal at Anak ni Filemon. Sodyak, zodiac, English-Tagalog Dictionary, Tagalog for Beginners, Geocities.com, 1999
  2. Zodiac: lakad ng araw Naka-arkibo 2012-05-21 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org

Astrolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astrolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.