Ptolomeo II Philadelphus
- Para sa ibang paggamit ng Ptolomeo o Tolomeo, tingnan ang Ptolomeo (paglilinaw).
Ptolemy II (Philadelphus) | |
---|---|
King of Egypt | |
Paghahari | 285–246 BCE |
Greek | Πτολεμαῖος Φιλάδελφος |
Ancient Egyptian | Userkanaenre Meryamun[1] |
Kamatayan | 246 BCE |
Sinundan | Ptolemy I |
Kahalili | Ptolemy III |
Konsorte | Arsinoe I, Arsinoe II |
Supling | With Arsinoe I: Ptolemy III Euergetes Lysimachus Berenice Phernopherus With Bilistiche: Ptolemy Andromachou |
Dinastiya | Ptolemaic |
Ama | Ptolemy I |
Ina | Berenice I |
Si Ptolomeo II Philadelphus (Greek: Πτολεμαῖος Φιλάδελφος, Ptolemaîos Philádelphos, 309 BCE – 246 BCE) ang hari ng Ehiptong Ptolemaiko mula 283 BCE hanggang 246 BCE. Siya ang anak ng tagapagtatag ng Kahariang Ptolemaiko na si Ptolomeo I Soter at Berenice I ng Ehipto. Siya ay tinuruan ni Philitas ng Cos. Siya ay may dalawang mga kalahating kapatid na lalakeng sina Ptolmeo Keaunos at Meleager na parehong naging mga hari ng Macedonia noong respektibong 281 BCE at 279 BCE at parehong namatay sa pananakop na Galliko noong 280-279 BCE.
Paghahari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ptolomeo II ay nagsimula ng kanyang paghahari bilang kapwa-hari ng kanyang amang si Ptolomeo I Soter mula ca. 285 BCE hanggang ca. 283 BCE at nagpanatili ng isang maningning sa Alehandriya. Ang Ehipto ay nasangkot sa ilang mga digmaan sa kanyang paghahari. Si Magas ng Cyerene ay nagpasimula ng digmaan sa kanyang kalahating kapatid (274 BCE) at ang haring Seleucid na si Antiochus I Soter na nagnanais ng Coele-Syria kasama ng Hudea ay umatake sa sandaling pagkatapos nito sa Unang Digmaang Syrian. Ang dalawa o tatlong mga taon ng digmaan ay sumunod. Ang mga pagwawagi ng Ehipto ang nagpalakas ng posisyon ng kahariang Ehipto bilang hindi matutulang kapangyarihang pandagat sa silanganing Mediterraneo. Ang kanyang armada na binubuo ng 112 mga barko ay nagdala ng makapangyarihang unit ng pananakop pandagat sa lahat ng panahon na gumarantiya sa hari ng paglapit sa mga baybaying siyudad ng kanyang imperyo. Ang impluwensiya ng kahariang Ptolemariko ay sumaklaw sa Cyclades hanggang Samothrace at sa mga baybayin at mga bayan ng Cilicia Trachea, Pamphylia, Lycia at Caria. Noong mga 270 BCE, si Ptolomeo ay umupa ng mga 4,000 mersenaryo(na noong 279 BCE sa ilalim ni Bolgios ay pumatay sa kanyang kalahating kapatid na si Ptolomeo Keraunos). Ayon kay Pausanias, sa sandaling pagkatapos, ang mga Gaul ay nagbalak na sunggaban ang Ehipto at inabandona ni Ptolomeo sa isang inabandonang kapuluan sa Ilog Nilo kung saan ay napahamak sila sa kamay ng bawat isa o sa taggutom. Ang pagwawagi ni Antigonus II Gonatas na hari ng Macedonia sa armadang Ehipto sa Cos(sa pagitan ng 258 BCE at 256 BCE) ay hindi matagal na gumambala sa pamumuno ni Ptolomeo ng Dagat Aegeo. Sa Ikalawang Digmaang Syrian sa Kaharing Seleucid sa ilalim ni Antiochus II Theoes(pagkatapos ng 260 BCE), si Ptolomeo ay nagtamo ng mga pagkatalo sa baybayin ng Asya menor at pumayag sa isang kapayapaan kung saan ay pinakasalan ni Antiochus ang kanyang anak na babaeng si Berenice(c. 250 BCE).
Mga kaugnayan sa India
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ptolomeo Philadelphus ay itinala ni Pliny ang Nakatatanda na nagpadala ng embahador na nagngangalang Dionysius sa korteng Maurya sa Pataliputra sa India na malamang ay kay Emperador Ashoka.[2]
Si Philadelphus ay binanggit rin sa Mga kautusan ni Ashoka na tumanggap sa pang-aakay sa Budismo ni Emperador Ashoka.