Sigalot sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas
Kasalukuyan pong nangyayari ang pangyayaring dinodokumento ng Timog Dagat Tsina na ito. (Abril 2021)
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa Timog Dagat Tsina na ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Ang Sigalot sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas ay ang kasalukuyang pangyayari na nagaganap sa mga bansang Tsina at Pilipinas. Ang artipisyal na mga islang pinag-aagawan ay nasa loob ng Eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas (EEZ) sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas na bahagi ng Dagat Timog Tsina. Ang Bahurang Julian Felipe o Julian Felipe Reef, Buhanginan ng Panatag o Scarborough Shoal, at Kapuluang Spratly ay isa sa mga nakapaloob sa pag-aangking pangkasaysayan na “Nine-dash line” ng Tsina.[1]
Protesta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naghain ang Pilipinas ng protestang pandiplomasiya laban sa Tsina noong Abril 2021. Ito ay dahil sa mga 220 bangka ng Tsina ang namataan sa Bahurang Julian Felipe. Umabot ito sa ikatlong diplomasya na itinatangi ng Tsina at naniniwalang sa kanila ang kanilang sinasakop. Nagpadala ng hukbong dagat at mga kawal ang mga bansang Estados Unidos, Australia, Canada, at Pransya. Bukod dito, kabilang ang Hapon sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas kung saan nananatili ang mga barkong nakasalpak sa mga bahura ng Pilipinas.[2]
Iginigiit ng mga nasa barko at bangka ng Tsina, na namamahinga lamang sila sa dagat kung saan sila nakapuwesto. Hanggang ngayon ay hindi umaatras ang ilan sa mga sasakyang pandagat, at nananatili pa ang mga ito sa ilang bahura.
Mga bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kaalyansa | Katunggali |
1. Australya | |
2. Canada | |
3. European Union | |
4. Pransiya | Tsina |
5. Hapon | |
6. Pilipinas | |
7. Estados Unidos |
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/538640/pilipinas-naghain-ng-diplomatic-protest-laban-sa-china/video
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/556607/pilipinas-naghain-ng-diplomatic-protest-laban-sa-china-matapos-mamataan-ang-220-chinese-boats-sa-whitsun-reefs-sa-wps/video