Pumunta sa nilalaman

Pilosopiyang pampolitika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Political philosophy)

Ang pilosopiyang pampolitika ay ang pag-aaral ng mga paksang katulad ng politika, kalayaan, katarungan, pag-aari (ari-arian), karapatan, batas, at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na may kapangyarihan: kung ano ang mga ito, kung bakit (o maging ang kung kailangan ba) ang mga ito, kung ano, kung anuman, ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan, kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit, kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit, kung ano batas, at anu-anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan, kung mayroon man, at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan, kung kinakailangan. Sa diwang bernakular, ang katagang "pilosopiyang pampolitika" ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw, o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang-etika o pampolitika, hinggil sa politika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng pilosopiya.[1]

Ang pilosopiyang pampolitika ay maaari ring unawain sa pamamagitan ng pagsusuri rito sa pamamagitan ng mga perspektibo ng metapisika, epistemolohiya, at aksiyolohiya. Nagbibigay ito ng tarok ng isip sa loob ng, sa piling ng iba pang mga bagay-bagay, sa sari-saring mga aspekto ng pinagmulan ng estado, ng mga institusyon nito at mga batas nito.

Mga maimpluwensiyang pilosopong pampolitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang mas malawak na talaan mga pilosopong pampolitika ay nararapat upang mapalapit sa lubos. Ang mga nakatala ay ilan sa mga pinakanagiging pamantayan o mga pinakamahalagang palaisip, at lalo na ang mga pilosopong ang pangunahing pinagututuunan ng pansin ay ang pilosopiyang pampolitika at/o tunay na kumakatawan sa isang tiyak na doktrina.

  • Tomas ng Aquino: Sa pagsasanib ng mga kaisipang teolohiyang Kristiyano at Peripatetiko (Aristoteliko) sa kaniyang Tratado sa Batas, ipinaglalaban ni Tomas ng Aquino na ang handog ng Diyos na mas mataas na katwiran—naisasabuhay sa batas ng tao sa pamamagitan ng mga banal na halagahan—ay nagbibigay-daan sa pagkakabuo ng makatarungang pamahalaan.
  • Aristoteles: Isinulat ang Politika bilang karugtong sa kaniyang Mga Etikang Nikomakea. Kilala sa mga teoriya na ang mga tao ay mga hayop panlipunan, at ang polis (sinaunang lungsod-estado ng mga Griyego) ay umiiral upang bigyan ng magandang buhay na nararapat sa mga nasabing hayop. Ang kaniyang teoriyang pampolitika ay nakaangkla sa mga etika ng perpeksiyonismo (gaya ng sa ilang mga babasahin kay Marx).
  • Mikhail Bakunin: Matapos kay Pierre Joseph Proudhon, si Bakunin ang naging pinakamahalagang pilosopong pampolitika ng anarkismo. His specific version of anarchism is called Mapag-ipong anarkismo.
  • Jeremy Bentham: Ag unang palaisip na sumiyasat sa katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagpapalaki nang labis ng mga pinagsama-samang kapakinabangan ng mga indibidwal. Itinatag ang pilosopikal/etikal na kaisipan na utilitarismo.
  • Isaiah Berlin: Binuo ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at negatibong kalayaan.
  • Edmund Burke: Isang Irlandang kasapi ng parlamentong Briton, sa kaniya naiuugnay ang pagkabuo ng konserbatibong kaisipan. Ang mga Mga Pagninilay sa Himagsikan ng Pransiya ni Burke ay ang pinakakilala sa kaniyang mga isinulat na kung saan niya tinuligsa ang Himagsikang Pranses. Si Burke ang isa sa mga pinakamalaking tumangkilik sa Himagsikang Amerikano.
  • Confucius: Ang unang palaisip na nag-ugnay etika sa kaayusang pampolitika.
  • William E. Connolly: Tumulong sa pagpapakilala ng postmodernong pilosopiya sa teoriyang pampolitika, at isinulong ang mga bagong teoriya ng Pluralismo at demokrasyang agonal.
  • John Dewey: Nagtatag din ng pragmatismo at sinuri ang napakahalagang papel ng edukasyon sa pagpapanatili ng demokratikong pamahalaan.
  • Han Feizi: Isa sa mga pangunahing pilosopo ng paaralang Tsinong Fajia (Legalista), isinulong niya ang pamahalaang sumasamba sa batas at estriktong pamamaraan ng pamamahala.
  • Michel Foucault: Sinuri ang modernong kaisipan ng kapangyarihan base sa komplehong bilangguan at iba pang mapagpabawal na institusyon, gaya ng nagtatakda ng seksuwalidad, kabaliwan at kaalaman bilang ugat ng kanilang impraestruktura, isang pagsusri na nagpapakita na ang pagsasailalim ay ang pagbuo ng kapangyarihan ng mga kasapi sa anumang lingguwistikong pagtitipon at ang hiagsikan ay hindi maaaring isipin lamang bilang ang pagsasalin ng kapangyarihan sa pagitan ng mga uri.
  • Antonio Gramsci: Pinasimunuan ang konsepto ng hegemoniya. Ipinaglaban na ginagamit ng estado at ng namumunong uri ang kultura at ideolohiya upang makakuha ng pahintulot mula sa mga pinamumunuan nitong uri.
  • Thomas Hill Green: Modernong liberal na palaisip at maagang nagtaguyod ng positibong kalayaan.
  • Jürgen Habermas: Kontemporanyong demokratikong teoriko at sosyologo. Sa kaniya nagmula ang mga konsepto gaya ng pampublikong espera, makapagkapuwang gawain, at mapagpanayam na demokrasya. His early work was heavily influenced by the Dalubhasaang Frankfurt.
  • Friedrich Hayek: Ipinaglaban niya na ang sentraisadong pagpaplano ay hindi mabisa sapagkat ang mga kasapi ng lupong panggitna ay hindi gaano alam upang pantayan ang mga hiling ng mga maimili at manggagawa sa mga kondisyong mayroon. Ipinaglaban pa lalo ni Hayek na ang Planadong ekonomiya—isang tanging inaasahan ng sosyalismo—ay tutungo sa isang estadong "total" na may delikadong kapangyarihan. Iisnulong niya ang kapitalismong Malayang pamilihan na kung saan ang pangunahing papel ng estado ay upang panatilihin ang pananaig ng batas at hayaang umusbong ang kusang pag-unlad.
  • G. W. F. Hegel: Idiniin ang "tuso" ng kasaysayan, sinasabi na mayroon itong rasyonal na pinatutunguhan, kahit na mayroon itong mga puwersang irasyonal; inimpluwensiyahan sina, Kierkegaard, Nietzsche, at Oakeshott.
  • Thomas Hobbes: Kadalasang itinuturing kung paano pinangangatwiranan ng konsepto ng kontratang panlipunan ang gawain ng mga namumuno (kahit sa mga pagkakataong taliwas sa mga indibidwal na hiling ng mga pinamumunuang mamamayan), ay maiuugnay sa pagbuo ng sa pagbuo ng soberaniya.
  • David Hume: Pinuna ni Hume ang kontratang panlipunan ni John Locke at iba pa bilang umaangkla sa mito ng ilang tunay na pakikipagsundo. Realista si Hume sa pagkilala ng papel ng kapangyarihan upang buuin ang pagmamayroon ng mga estado at ang pagsang-ayon ng pinamumunuan ay sadyang hipotetiko lamang. Pinakilala rin niya ang konsepto ng utilidad, na pinulot at pinalawig pa ni Jeremy Bentham.
  • Thomas Jefferson: Politiko at teoristang pampolitika noong panahon ng Amerikanong Pagkamulat. Pinalawig ang pilosopiya ng Thomas Paine sa pagpapalaganap ng republikanismo sa Estados Unidos. Pinakakilala sa Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas.
  • Immanuel Kant: Nakipagtalo na ang pakikisali sa lipunang sibil ay isinasagawa hindi upang panatilihin ang sarili, gaya ng kay Thomas Hobbes, ngunit bilang isang moral na tungkulin. Unang moderning palaisip na buong sinuri ang estruktura at kahulugan ng pananagutan. Ipinaglaban na dapat magkaroon ng isang pandaigdigang organisasyon upang mapanatili ang kapayapaan sa mundo.
  • Peter Kropotkin: Isa sa mga kalsikong palaisip ng anarkismo at ang pinakaimpluensiyang teoriko ng anarko-komunismo.
  • John Locke: Gaya ni Hobbes, inilarawan ang teoriyang kontratang panlipunan base sa mga saligang karapatan sa estado ng kalikasan ng mga mamamayan. Humiwalay siya kay Hobbes dahil base sa kaniyang palagay na ang lipunan na kung saan ang mga moral na halagahan ay malaya sa kapangyarihan ng pamahalaan at tahasang naibabahagi, kaniyang ipinaglaban ang isang pamahalaang may kapangyarihang limitado sa proteksiyonn ng pansariling pagmamay-ari. Ang kaniyang mga pangangatwiran ay maaaring naging lanis na maimpluwensiya sa pagbuo ng Saligang Batas ng Estados Unidos.
  • Niccolò Machiavelli: Unang sistematikong pagsusuri ng: (1) kung paano ang pagsang-ayon ng populasyon ay napag-uusapan sa pagitan at kabilang ang mga pinuno sa halip na isang simpleng naturalistiko (o teolohikal) na bahagi ng estruktura ng lipunan; (2) panimula sa konsepto ng ideolohiya sa pag-iral ng epistemolohikang estruktura ng mga utos at batas.
  • James Madison: Politikong Amerikano at protehido ni Jefferson na itinuturing bilang ang "Ama ng Saligang Batas ng Estados Unidos ng Amerika" at "Ama ng mga Panukalang Batas ng mga Karapatan" ng Estados Unidos. Bilang isang teoristang pampolitika, pinaniwalaan niya ang paghihiwalay ng mga kapangyarihan at nagpanukala ng isang komprehensibong mga pagsusuri at pagbalanse na naayon upang protektahan ang mga karapatan ng isang indibidwal mula sa paniniil ng nakararami.
  • Herbert Marcuse: Tinaguriang ama ng bagong kaliwa. Isa sa mga pangunahing palaisip sa Dalubhasaang Frankfurt, at karaniwang mahalaga sa mga pagsisikap upang pag-isahin ang mga kaisipan nina Sigmund Freud at Karl Marx. Pinakilala ang konsepto ng "mapanupil na desublimasyon", na kung saan ang kontrol panlipunan ay nakagagalaw lang hindi sa pamamagitan ng direktang pagkontrol, ngunit pati na rin ng manipulasyon ng pagnanais. Ang kaniyang akda na Eros at Sibilisasyon at pag-iisip ng isang lipunang hindi mapanupil ay maimpluwensiya noong dekada 60 at sa mga kontrakultural na kilusang panlipunan nito.
  • Karl Marx: Sa malaking bahagi, nagdagdag ng pananaw pangkasaysayan sa isang pag-intindi ng lipunan, kultura, at ekonomika. Binuo ang konsepto ng ideolohiya sa kahulugan ng mga (tama o maling) pananaw na humuhubog at kumokontrol sa mga gawaing panlipunan. Sinuri ang saligang kalikasan ng uri bilang isang nagpapagalaw sa pamamahala at pakikipagkapuwang panlipunan. Tahasang naimpluwensiyahan ang politikang pangmundo dahil sa kaniyang teoriya ng komunismo.
  • Mencius: Isa sa mga pinakamahalagang palaisip sa kisipang Confuciano, siya ang isa sa mga unang teorikong makagawa ng isang malinaw na pangangatwiran para sa isang pananagutan ng mga namumuno sa mga pinamumunuan.
  • John Stuart Mill: Isang utilitaryo, at ang siyang nagpangalan sa sistema; pinalalim pa niya ang mga kaisipan ni Bentham sa paglagay ng pundasyon para sa kaisipang liberal na demokratiko sa pangkalahatan at moderno, sa halip na klasiko, liberalismo sa partikular. Binigyan ng lugar ang indibidwal na kalayaan sa isang utilitaryong balangkas.
  • Baron de Montesquieu: Sinuri ang proteksiyon ng sambayanan sa pamamagitan ng "balanse ng mga kapangyarihan" sa mga pagkahati-hati ng isang estado.
  • Mozi: Eponimong tagapagtatag ng kaisipang Moismo, isinulong ang isang uri ng konsekuwensiyalismo.
  • Friedrich Nietzsche: Pilosopong naging isang napakalakas na impluwensiya sa napakalawak na espektro ng mga kilusang pampolitika ng ika-20 siglo sa Marxismo, anarkismo, pasismo, sosyalismo, libertarismo, at konserbatismo. Pinagtatalunan ng mga tagapagsalin niya ang nilalaman ng kaniyang pilosopiyang pampolitika.
  • Robert Nozick: Pinuna si Rawls, at nagtalo para sa libertarismo, sa pag-apela sa isang hakang kasaysayan ng estado at ng pagmamay-ari.
  • Thomas Paine: Manunulat ng Pagkamulat na nagtanggol ng demokrasya liberal, ang Himagsikang Amerikano, at Himagsikang Pranses sa Common Sense at Ang Rights of Man.
  • Platon: Sumulat ng mahabang diyalogo sa Ang Republika na kung saan inilatag niya ang kaniyang pilosopiyang pampolitika: dapat nahahati sa tatlo ang mga uri ng mga mamamayan. Una sa mga pinunong mamamayan: na dapat sila ay mga pilosopo, ayon kay Platon, ang kaisipang ito ay mula sa kaniyang Teoriya ng mga Anyo
  • Pierre-Joseph Proudhon: Madalas na itinuturing bilang ang ama ng modernong anarkismo, lalo na sa mutualismo.
  • John Rawls: Binuhay ang pag-aaral ng normatibong pilosopiyang pampolitika sa mga oamantasang Anglo-Amerikano sa kaniyang inilathalang libro noong 1971 A Theory of Justice, na gumagamit ng isang bersiyon ng teoriyang kontratang panlipunan upang sagutin ang mga simulaing tanong tungkol sa hustisya at upang punain ang utilitarianismo.
  • Murray Rothbard: Mahalagang teoriko ng anarko-kapitalismo at ng ekonomistang Dalubhasaang Austriyako.
  • Jean-Jacques Rousseau: Sinuri ang kontratang panlipunan bilang ang pagpapahayag ng pangkalahatang ninanais, at nakipagtalo sa pagkiling sa lubos na demokrasya na kung saan ang mga tao sa pangkalahatan ay gaganap na soberano.
  • Ayn Rand: Nagtatag ng Obhetibismo at pangunahing nagpagalaw sa mga kilusang Obhetibista at Libertaryo sa kalagitnaan ng ika-20 siglong Amerika. Nanindigan sa isang kompleto, kapitalismong laissez-faire. Pinanghawakan niya na ang tamang papel ng pamahalaan ay natatanging bigyan ng proteksiyon ang mga karapatang pang-indibidwal nang walang hadlang pang-ekonomiko. Ang pamahalaan ay dapat na hiwalay sa ekonomika sa parehong paraan at sa parehong ugat kung bakit ito ihiniwalay sa relihiyon. Ang anumang gawain ng pamahalaan na hindi nakatuon sa pagsanggalang ng karapatang pang-indibidwal ay mangangahulugang pagpapakita ng puwersa (o banta ng puwersa), at kung gayon hindi lamang paglabag sa mga batas ngunit pati na rin sa lehitimong tungkilin ng pamahalaan.
  • Carl Schmitt: Alemang pilosopong teoriko, may ugnayan sa mga Nazi, na nagsulong ng mga kaisipan ng Pagkakaibang Kaibigan/Kaaway at ng Estado ng kataliwasan. Sa pamamagitan ng kaniyang mga maimpluwensiyang aklat na isinulat noong dekada 20. malawak pa siyang sumulat hanggang sa kaniyang kamatayan (sa akademikong casi-pagkakatapon) noong 1985. Tahasan niyang naimpluwensiyahan ang pilosopiyang pampolitika ng ika-20 siglo pareho sa Dalubhasaang Frankfurt at iba pa tulad nina Jacques Derrida, Hannah Arendt, at Giorgio Agamben.
  • Adam Smith: Madalas na itinuturing bilang ang nagtatag ng modernong ekonomika; ipinaliwanag ang pag-usbong ng mga kabutihang pang-ekonomika mula sa mga ugaling makasarili ("ang hindi makitang kamay") ng mga manlilikha at mangangalakal. Habang pinuri ang kahusayan nito, ipinakita rin ni Smith ang kaniyang pag-aalala sa mga bunga nito sa mga trabahong pang-industriya (hal., paulit-ulit na gawain) sa mga manggagawa. Ang kaniyang mga akda sa damdaming moral ay nagsisikap ipaliwanag ang mga bigkis panlipunan upang paganahin pa lalo ang mga gawaing pangkabuhayan.
  • Socrates: Karaniwang itinuturing bilang ang ama ng pilosopiyang pampolitikang Kanluranin, sa pamamagitan ng kaniyang mga pasalitang impluwensiya sa kaniyang mga kapanahunan sa Atenas; sapagkat wala siyang sinulat, karamihan ng kaalaman ngayon sa kaniya at sa kaniyang mga itinuro ay mula sa kaniyang pinakakilalang estudyante, si Platon.
  • Baruch Spinoza: Isinulong ang unang pagsusuri ng egoismong rasyonal, na kung saan ang kahilingang rasyonal ng sarili ay tumatalima sa dalisay na katwiran. Sa pag-iisip ni Spinoza, sa isang lipunan na kung saan ang bawat indibidwal ay nagagabayan ng katwiran, ang kapangyarihang pampolitika ay mawawalan ng kuwenta.
  • Max Stirner: Mahalagang palaisipa sa loob ng anarkismo at ang pangunahing kinatawan ng kilusang anarkistang na kasalukuyang binabansagan bilang anarkismong indibidwalista.
  • Leo Strauss: Kilalang tumanggi sa modernidad, madalas sa paninindigan ng kaniyang pananaw na kalabisan ng modernong pilosopiyang pampolitika ng katwiran at malamat na paninindigang pampilosopiko para sa normatibidad pangmoral at pampolitika. Nangatwiran siya na dapat bumalik tayo sa mga pre-modernong palaisip para sa mga sagot sa mga kontemporanyong isyu. Ang kaniyang pilosopiya ay maimpluwensiya sa pagbuo ng Neokonserbadurismo., at ilan sa kaniyang mga naging estudyante ay naging bahagi ng panunungkulang Bush.
  • Henry David Thoreau: Maimpluwensiyang Amerikanong palaisip sa mga napakalawak na posisyong pampolitika at mga paksa gaya ng pasipismo, anarkismo, ambientalismo, at sibil na pagsuway na nakaimpluwensiya sa mahahalagang aktibistang pampolitika gaya nina Martin Luther King, Mahatma Gandhi, at Leo Tolstoy.
  • François-Marie Arouet (Voltaire): Pranses na manunulat, makata, at pilosopo ng Pranses na Pagkamulat na kilala sa kaniyang pagtaguyod ng mga kalayaang sibil, gaya ng malayang pagpili ng relihiyon at malayang kalakalan.
  • Bernard Williams: Isang Britong pilosopong pangmoral na inilathala pagkatapos ng pagkamatay sa pilosopiyang oampolitika sa In the Beginning was the Deed na itinuturing—kasama ng mga akda ni Raymond Geuss—bilang isang pangunahing saligang gawain sa realismong pampolitika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hampton, Jean (1997). Political philosophy. p. xiii. ISBN 0813308586. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-26. Nakuha noong 2012-03-11. {{cite book}}: Check |isbn= value: checksum (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Si Charles Blattberg, na nagbigay ng kahulugan sa politika bilang "tumutugon sa salungatan ng diyalogo," ang nagmungkahi na ang mga pilosopiyang pampolitika ay nag-aalok ng mga paglalahad na pampilosopiya ng diyalogong iyon. Tingnan ang kanyang "Political Philosophies and Political Ideologies". SSRN 1755117. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong) sa Patriotic Elaborations: Essays in Practical Philosophy, Montreal and Kingston: McGill-Queen's University Press, 2009.


PilosopiyaPolitika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.