Pumunta sa nilalaman

Taecyeon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ok Taec-yeon)
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Ok.
Taecyeon
옥택연
2PM Go Crazy World Tour 2014, Rosemont Theatre, Chicago (Rosemont), Illinois
2PM Go Crazy World Tour 2014, Rosemont Theatre, Chicago (Rosemont), Illinois
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakOk Taek-yeon
Kapanganakan (1988-12-27) 27 Disyembre 1988 (edad 35)
Timog Korea Busan, Timog Korea[1]
Trabaho
Karera sa musika
Genre
Taong aktibo2008–kasalukuyan
LabelJYP Entertainment
Website2pm.jype.com
Ok Taecyeon
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonOk Taek-yeon
McCune–ReischauerOk T'aegyŏn

Si Ok Taec-yeon (Koreano옥택연; Hanja玉澤演; ipinanganak 27 Disyembre 1988)[1], higit na kilala bilang Taecyeon, ay isang mang-aawit, artista, modelo at negosyante sa Timog Korea. Siya ang pangunahing rapper ng bandang 2PM.

Noong 2010, unang lumabas Taecyeon bilang aktor sa Koreanovelang Cinderella's Sister at nang naglaon, bumida pa sa ibang mga seryeng pantelebisyon tulad ng Dream High (2011), Who Are You? (2013), Wonderful Days (2014), Assembly (2015), Let's Fight, Ghost (2016), at Save Me (2017), gayon din sa mga pelikulang Marriage Blue (2013) at House of the Disappeared (2017).

Ipinanganak si Taecyeon sa Busan, Timog Korea,[3] ngunit lumipat sila ng magulang niya at ng nakatatanda niyang kapatid na si Jihyen papuntang Bedford, Massachusetts noong 10 taong gulang siya.[4] Nanirahan doon si Taecyeon sa loob ng 7 taon, at pumasok sa Bedford High School kung saan siya naging aktibong kasapi sa Chess Club, Jazz Band, JV Soccer Team at National Honor Society, bago siya bumalik ng Korea upang simulan at ipagpatuloy ang kaniyang karera roon. Nag-aral siya ng kursong Pangangasiwa ng Negosyo (Business Administration) sa Pamantasang Dankook.[1] Pumasok din siya sa Unibersidad ng Korea sa Paaralang Graduweyt ng Internasyunal na Pag-aaral.[5]

Bihasa siya sa mga wikang Koreano, Ingles at Hapones.[6] Bilang katutubo ng Busan, gamay ni Taecyeon ang pananalita ng Gyeongsang satoori (punto ng diyalekto), kung saan ginamit niya iyon sa KBS2 drama na Wonderful Days.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 ":: 2PM ::". 2pm.jype.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2016-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2PM 택연, '옥캣' 캐릭터 사업 스타트 CEO변신 : 스포츠조선". Sports Chosun (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2016-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Taecyeon Fell In Love With Night Before Wedding Role" (sa wikang Ingles). KDramaStars. Nakuha noong 2016-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cover story: 2PM. Naka-arkibo 2011-02-05 sa Wayback Machine. iamkoream.com. Hinango 2011-01-08.
  5. February 26, 2013 (26 Pebrero 2013). "Taecyeon Is Accepted into Prestigious Korea University as Grad Student" (sa wikang Ingles). Soompi. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-14. Nakuha noong 2016-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. (Video) 2PM′s Taecyeon Understands...Arabic??[patay na link] enewsWorld. 2012-05-29.
  7. "Agency mates Taecyeon and Park Joo Hyung head to Busan to practice their dialect for 'Very Good Days'". allkpop (sa wikang Ingles). 2014-01-31. Nakuha noong 2018-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]