Nekrosis
Ang nekrosis (mula sa Griyegong νεκρός, "patay", νέκρωσις, "kamatayan, yugto ng pagkamatay, akto ng pagpatay; Ingles: necrosis) ay ang maagang kamatayan ng mga sihay at ng mga buhay na sihayan. Ang nekrosis ay sanhi ng mga salik na panlabas sa sihay o sihayan (tisyu) gaya ng hawa, lason o trauma. Ito ay salungat sa apoptosis na isang natural na pangyayaring nagsasanhi ng kamatayan ng isang sihay. Bagaman ang apoptosis ay kalimitang nagbibigay ng mga makagagaling na mga kalalabsan sa isang tataghay (organismo), ang nekrosis ay palaging nakapipinsala at nakamamatay. Ang mga selulang namatay sanhi ng nekrosis ay hindi karaniwang nagpapadala ng parehong mga kemikal na tanda(senyas) sa sistemang immune na ginagawa ng mga selula na sumasailalim sa isang apoptosis. Ito ay pumipigil sa mga malapit na phagocyte sa paghanap at paglamon sa mga patay na sihay na tumutungo sa pagpuno ng mga patay na sihayan (tisyu) at mga debri ng sihayan sa lugar na pinangyarihan ng kamatayan ng sihay. Dahil dito, kalimitang kinakailangang alisin ang mga tisyung necrotiko sa isang prosesong tinatawag na debridemento.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.