Pumunta sa nilalaman

Kurbata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Neck tie)
Isang kurbatang nakaayos kung paano karaniwang inililigid sa leeg ng kuwelyo ng polo ng lalaki.

Ang kurbata[1] (Ingles: necktie[1] o tie) ay isang bahagi ng damit na isinusuot ng mga lalaki. Bahagi ito ng pangkat ng magkakaugnay na mga kasuotang tinatawag na terno, partikular na ang Amerikana. Karaniwang isinusuot ito ng mga kalalakihan sa mga bansang Kanluranin para sa kanilang mga propesyunal na hanapbuhay katulad ng negosyo, batas, at politika. Malimit na gawa sa sutla o polyester ang kurbata, o iba pang mga uri ng tela, at kadalasang mayroong kulay o padron ng disenyo. Nakadaragdag sa pagiging pormal ng kasuotan terno o Amerikana ang pagsusuot ng kurbata. Bilang pamugong o "laso" na pangleeg ng lalaki, ipinapaligid ito sa kuwelyo ng polong panglalaki at ibinubuhol sa may harapan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Necktie, kurbata - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Necktie". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 75.


KasuotanModa Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasuotan at Moda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.