Pumunta sa nilalaman

Pagpaplano ng mga kailangang materyal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa MRP)

Ang Material Requirements Planning (MRP) o pagpaplano ng mga kailangang materyal ay isang sistema ng impormasyon na nangangasiwa ng pag-order at pag-schedule ng mga dependent na imbentaryo (hal. hilaw na materyales, subassemblies, spare parts). Ang layunin ng Material Requirements Planning ay makontrol ang dami ng imbentaryo. Malaki ang naitututlong nito sa pagpapadali ng pag-sschedule ng pagbili, paggawa, at pagbilang ng imbentaryo.

Proseso ng Material Requirement Planning
1. Paggawa ng Master Schedule para sa huling produkto

Makikita sa master schedule o master production schedule kung anong produkto ang dapat gawin, kung kailan ito dapat gawin, at kung ilan ang dapat gawin. Ang master schedule ay maaaring makuha sa pamamagitan ng paggamit ng Aggregate Planning.

2. Kalkulahin ang dami ng total na kinakailangang parte o bahagi ng produkto

Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng paggamit ng Bill of Materials at/o Product Structure Tree.
Bill of Materials - makikita rito ang listahan ng lahat ng parte, bahagi, at hilaw na materyales na kakailanganin sa paggawa ng isang yunit ng produkto. Ang pagkakamali sa isang bahagi nito ay maaaring magdulot ng marami sa ninanais na imbentaryo para sa isang parte, bahagi, o hilaw na materyales ng isang produkto.
Product Structure Tree - isang visual na representasyon ng Bill of Materials.

3. Kalkulahin ang dami ng karagdagang produktong dapat gawin.

Ito ay maaaaring makuha sa pamamagitan ng pagbawas ng inaasahang karadagang imbentaryo at ng kasalukuyang imbentaryo sa total na kinakailangang parte o bahagi.
Sa puntong ito, importante na tama ang mga nakatala sa Material Requirement Planning system ukol sa dami ng inaasahang karagdagang imbentaryo, kung kailan ito darating, ang kasalukuyang imbentaryo, at ang total na kailangang materyales.

4. Tantiyahin ang inaasahang darating na order

Dapat mas malaki ang inaasahang darating na imbentaryo kayasa sa kinakailangan karagdagang imbentaryo.
Maaari itong kalkulahin gamit ang iba't ibang teknik at heuristic kagaya ng on lot sizing, Economic Order Quantity (EOQ) Model, at Part-Period Balancing.

5. I-proseso ang MRP: pagtaya kung kailan matatapos ang order ng produkto.

Naaapektuhan ito ng pagdating ng mga kailangang bahagi, parte, at materyales pati na rin ng lead time ang order.

6. I-tsek at subaybayan ang mga susunod na panahon.


Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.