Pumunta sa nilalaman

Legalismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ligalismo)

Ang Legalismo ay may ibig sabihing “paaralan ng batas” o pilosopiya na nagbibigay-diin sa mga batas at tuntunin na pinaiiral ng mga may kapangyarihan bilang pamantayan ng kilos ng tao. Nagmula ito sa pangunahing akda ng mga Legalista tulad ng The book of Lord Shang, Hand Fei-tzu at ang Kuan Tzu. Ito ang kauna-unahang pilosopiya na naging opisyal na ideolohiya ng bansa. Naniniwala ang Legalismo na tungkulin ng pinuno na tumayong nag-iisa at may lubos na kapangyarihan sa kanyang nasasakupan. Siya ang batas at siya rin ang awtoridad. Ang pamantayan ng tama at mali. Naniniwala ang mga Legalista na "may higit sa isang pamamaraan ng pagpapalakad sa daidig at hindi na kailangang gayahin ang lumang nakaraan upang mapamahalaan nang maayos ang Estado". Batay dito, ang isang malaki at mahusay na pamahalaan ay susi sa pagpapanatili ng kaayusan. Ito ay isa sa kanilang mga prinsipyo: "Ang pinuno ay namamahala at ang tao ay sumusunod." Ayon pa dito, kailangang magbigay ng pabuya ang pamahalaan sa masunuring mamamayan at marahas na parusa naman sa mga sumasaway. Higit na nakatataas ang tingin ng mga Legalista sa batas kaysa mabuting asal, moralidad o ritwal. Ang mahalagang salik na magpapanatili sa isang organisasyon ay ang fa o batas: shih o awtoridad, posisyon at kapangyarihan at ang shu o ang pamamaraan ng gobyerno.

Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.