Estasyon ng Libertad
Libertad | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Kanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz, Brgy. Santa Clara, Pasay | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | LI | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong Libertad ng LRT (na kilala rin bilang Estasyong Antonio Arnaiz ng LRT, o sa payak na ngalan, Estasyong Arnaiz) ay isang estasyon sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Libertad. Matatagpuan ito sa kanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz sa Lungsod ng Pasay. Ipinangalan ang estasyon mula sa dating pangalan ng bahaging Pasay ng Abenida Arnaiz, ang Calle Libertad. Ang pangalang Libertad naman ay mula sa salitang Kastila ng "kalayaan". Nanatili ang pangalang "Libertad" bilang pangalan ng pook na kinaroroonan ng estasyon.
Nagsisilbi bilang panlabing-walong estasyon ang estasyong Libertad para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pangatlong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa ang Libertad sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, EDSA at Baclaran.
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit sa estasyon ang Victory Pasay Mall, Masagana Citimall at Pamilihan ng Libertad. Malapit din ang St. Mary's Academy – Pasay, Pamantasan ng Lungsod ng Pasay, Pasay Chung Hua Academy at Philippine School for the Deaf. Ang mga pook na may-kalayuan at matatagpuan sa Bulebar Roxas, subalit nasa paligid pa rin ng estasyon, ay gusali ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, Annex ng Embahada ng Estados Unidos, Embahada ng Hapon, Cuneta Astrodome, Asian Institute of Maritime Studies at HK Sun Plaza.
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga terminal ng bus para sa ilang mga linya ng bus malapit sa estasyon, at humihinto ang mga dyipni, taksi at traysikel sa estasyon at paligid nito. Subalit humihinto rin ang mga bus malapit sa estasyon, para sa mga riding bus na hindi humihinto sa mga kalapit na terminal.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, tulay papuntang Jackman Plaza Emporium |
L1 | Daanan | Victory Pasay Mall, Masagana Citimall, Pamilihan ng Libertad |