Pumunta sa nilalaman

Libby

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Libby (Lost))

Si Elizabeth, o mas kilala sa palayaw na "Libby," ay isang karakter na kathang-isp sa Amerikanong dramang ipinapalabas sa American Broadcasting Company o ABC na Lost na nagtatala sa buhay ng higit apat-na-pung tao matapos bumagsak ang kanilang eruplano si isang di tiyak na lugar sa Timog Pasipiko.[1] Siya ay ginaganap ng Amerikanong aktres na si Cynthia Watros. Una siyang ipinakilala, kabilang ni Bernard, sa kabanatang "Everybody Hates Hugo" sa ikalawang yugto ng palabas bilang isa sa mga nakaligtas na nagmula sa buntot na bahagi ng eruplano na tinaguriang mga "Tailies", at tinapos niya ang kanyang parte bilang isang "buhay na karakter" sa kabanatang "?". Mabuti ang resepsyion sa karakter lalu na pagkatapos nang kanyang pagkamatay ngunit may kontrobersiya din ang kanyang paglabas sa palabas dahil sa isang paglabag sa trapiko ng kanyang aktres.

Lumabas na si Libby sa higit-kumulang 21 kabanata, 20 sa kanila sa ikalawang yugto ng palabas habang isa sa ika-apat. Matapos ang ikatlong yugto, siya lamang ang kaisa-isang karakter na hindi pa nagkakaroon ng kabanatang na sumisentro sa kanya, ngunit dapat tandaang nagkaroon siya nang isang flashback sa huling bahagi ng kabanatang "Dave" at and kabanatang "The Other 48 Days" ay tungkol sa buhay niya at ng iba pang mga "Tailies". Dapat raw ay lalabas siya sa ikatlong yugto ng palabas pero di siya lumabas sa kahit anumang kabanata nito. Ang susunod niyang paglabas matapos ang pangalawang yugto ay ang kabanatang "Meet Kevin Johnson" sa ika-apat na yugto.

Kakaunti lamang ang alam sa buhay ni Libby bago siya umabot sa pulo. Sinabi niya sa kabanatang "The Other 48 Days" na nanggaling na siya sa Vermont kung saan siya naaksidente sa pagski-ski,[2] at pumasok siya sa isang paaralang pang-medesina nang isang taon bago siya magsimulang maging isang clinical psychologist,[2] ngunit di-tiyak kung totoo ba ang mga ito.

Ipinakita sa kabanatang "Live Together, Die Alone" na bago siya mapunta sa pulo ay nagkita sila ni Desmond (na ginaganap ni Henry Ian Cusick) sa isang café, kung saan sinabi niyang mula siya sa Newport Beach, California at nalaman din niyang nais ni Desmond na sumali sa isang paliksahan ng mga mandaragat kaya't ibinigay niya kay Desmond ang kanyang barkong Elizabeth na iniregalo at ipinangalan sa kanyan nga kanyang yumaong asawang si David.[3] Tumuloy din siya sa Paggamutang Mental na Santa Rosa na tinuluyan din ni Hurley (Jorge Garcia), pati na si Emily Annabeth Locke (Swoosie Kurtz), ina ni John Locke (Terry O'Quinn).[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fordis, Jeff, (22 Enero 2007) "ABC Studios Lost Show Description Lead Press Release Page," ABC Medianet. Retrieved on 18 Abril 2008.
  2. 2.0 2.1 "The Other 48 Days." Lost, ABC. 14 Mayo 2008. Episode 7, season 2
  3. "Live Together, Die Alone." Lost, ABC. 14 Mayo 2008. Episode 23, season 2
  4. "Deus Ex Machina." Lost, ABC. 14 Mayo 2008. Episode 19, season 1
  5. "Dave." Lost, ABC. 14 Mayo 2008. Episode 18, season 2

Lingks Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]