Pumunta sa nilalaman

Patutot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kolboy)
Ang dibuhong Point de Convention (o "Walang Naitakdang Kasunduan", sirka 1797) ni Louis-Léopold Boilly na sinasabing naglalarawan ng isang Pransesang patutot na tumatanggi sa alok na salaping metal at bilog ng isang ginoo. Hindi pumapayag ang patutot na nakasuot ng manipis na damit sapagkat hindi sapat ang halaga ng kuwalta ng lalaki. Kasabayang nagpapalinis din ng sapatos noong mga oras na iyon ang ginoo.

Ang patutot[1] (Ingles: whore, harlot, hooker, "entertainer," prostitute[2]) ay isang salitang may hindi mainam na kahulugan. Tumutukoy ito sa isang babae, maaari ring lalaki, na binabayaran o nagpapabayad para sa kapalit na serbisyong may kaugnayan sa pakikipagtalik at seksuwalidad ng mga tao. Kasingkahulugan ito ng prostituta (partikular para sa isang babaeng patutot), prosti (pinaikling bersiyon ng prostituta), masamang babae[3], babaeng bayaran, masamang lalaki, at lalaking bayaran. Binabansagang din silang kalapating mababa ang lipad, puta (mula sa Kastila), at ng mga salitang balbal na kokak, burikit, burikat, japayuki, GRO, at donut [bigkas: do-nat]. Tumutukoy ang "burikit" sa isang patutot na naghahanap-buhay sa mga bahay-aliwan, bar, klab, bahay-diskuhan, at iba pang aliwang panggabi. Nagmula ang salitang "donut" mula sa Ingles na doughnut. Isang walang-paggalang na katawagan naman ang "japayuki" (bigkas: dya-pa-yu-ki) para sa isang Pilipinang nagtatrabaho bilang tagapagbigay ng saya o panandaliang aliw, sumasayaw at kumakanta habang nasa Hapon. Nag-ugat naman ang GRO o G.R.O. mula sa Ingles na guest relations officer o guest services officer, isang "tagapagpasinaya" ng mga "bisita" o hostes.[1] Dinaglat ito upang maging isang magalang at nagpapahiwatig na katawagan lamang para sa isang kilala at lantad na patutot.

Kapag alta-sosyedad o sosyal ang isang babaeng patutot, o nagbibili ng aliw sa mga taong may matataas na katungkulan, tinatawag itong kortesana.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Patutot, kalapating mababa ang lipad, puta, hostes". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Prostitute" Naka-arkibo 2013-03-18 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  3. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Prostitute, masamang babae, patutot". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gaboy, Luciano L. Courtesan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.