Koketris
Ang koketris o kokatris (Ingles: cockatrice, Kastila: cocatriz) ay isang nilikhang maalamat, na isang dragong may dalawang mga paa na may ulo ng manok na tandang. Inilarawan ito ni Laurence Breiner bilang "isang ornamento sa drama at panulaan ng mga Elizabethano". Tanyag ito sa kaisipan at mitong Ingles sa loob ng maraming mga daantaon.
Koreanong koketris
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang koketris na Koreano ay nakikilala bilang gye-ryong (계룡/鷄龍), na literal na may kahulugang manok-dragon; hindi sila madalas na lumilitaw bilang mga dragon. Paminsan-minsan silang nakikita bilang mga hayop o halimaw na humihila ng mga kalesang pandigma na para sa mga maaalamat na mga tao o para sa mga magulang ng mga bayaning maalamat. Ang isang alamat ay kinasasangkutan ng pagtatatag ng Kaharian ng Silla, na may prinsesang iniluwal mula sa isang itlog ng koketris.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop at Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.