Kuhol
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Kuhol | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: |
Ang suso o kuhol (Ingles: snail) ay maluwag na tumutukoy sa lahat ng kasapi sa klaseng mollusca ng Gastropoda na kadalasang mayroong matigas at paikot na mga kabibe. Matatagpuan ang mga kuhol sa halos lahat ng dako ng daigdig, sa kalupaan, sa tubig-tabang, at sa karagatan.
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga katangiang panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalong marami ng mga kuhol ay gumagalaw sa pamamagitan ng kanilang makalamnang paa, na siyang pinadudulas ng uho. Ang makalamnang galaw na ito'y madaling makita, lalo na kapag ang kuhol ay umaakyat sa isang salamin.
Mabagal gumalaw ang kuhol. Ang pampadulas na uhong ginagamit ng yaon ay ginagamit upang mabawasan ang pagkiskis nito sa kinagagalawan. Tumutulong din ang uho upang maiwasan ng kuhol ang karamihan ng mga pinsalang dulot ng matatalim na kagamitan.
Sa pagpaparami
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marami sa mga kuhol, at lahat ng kuhol panlupa'y may kapwa panlalaki at pambabaeng kasangkapang pamparami. Nangagsisigawa ang kani-kanilang mga katawan ng kapwa isperma't itlog. Ang iilan nama'y may magkakaibang mga kasarian. Kinakaya nang magparami ng lalong marami ng mga kuhol sa katandaang isang taong gulang.
Sa kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kuhol ay madalas na linalarawang sagisag ng katamaran, kabagalan, at kabatugan.
Sa wikang Ingles, ang snail mail (snail – kuhol, mail – sulat) ay nangangahulugan ng paggamit ng karaniwang lingkurang postal ng mga sulat, di tulad ng E-mail na siyang napapadala ng saglitan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.