Pumunta sa nilalaman

Indibiduwasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Indibiduwasiyon)

Ang indibiduwasyon, mula sa Ingles na individuation (Latin: principium individuationis) o pagka hindi nahahati at pagka di-nahahati, ay isang paraan sa lipunan kung saan ang bawa't tao ay napagkikilanlan ng kanilang mga katangiang nagpapabukod mula sa iba. May kaugnayan ito sa indibiduwalidad o pagka-indibiduwal ng isang tao.[1] Makikita ang konseptong ito sa maraming mga larangan at maaaring matamasa sa mga gawa nina Carl Jung, Gilbert Simondon, Bernard Stiegler, Gilles Deleuze, Henri Bergson, David Bohm, at Manuel De Landa. Sa napakalawak o mapanglahat na mga pananalita o pakahulugan, ito ang pangalang ibinigay sa mga kaparaanan o mga proseso kung saan ang hindi naipagkakaiba ay nagiging isang indibiduwal, o sa mga prosesong pinagdaraanan ng mga pinagkaiba-iba nang mga bahagi upang maging mas hindi na nahahating kabuoan ang mga ito, tinatawag na pagka hindi nahahati-hati o pagka hindi napaghahati-hati.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Individuation - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

TaoBiyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.