Pumunta sa nilalaman

Charles Dickens

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Huffam Dickens)
Charles Dickens
Kapanganakan7 Pebrero 1812[1]
  • (City of Portsmouth, Hampshire, South East England, Inglatera)
Kamatayan9 Hunyo 1870
    • Gads Hill Place
  • (Higham, Gravesham, Kent, South East England, Inglatera)
LibinganWestminster Abbey
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Trabahomanunulat,[2] nobelista, mamamahayag, social critic, mandudula, may-akda, children's writer, editor, prosista, botaniko, manunulat ng maikling kuwento
AsawaCatherine Dickens (2 Abril 1836–Hunyo 1858)
AnakCharles Dickens, Jr.
Mary Dickens
Kate Perugini
Walter Landor Dickens
Francis Dickens
Alfred D'Orsay Tennyson Dickens
Sydney Smith Haldimand Dickens
Henry Fielding Dickens
Dora Annie Dickens
Edward Dickens
Magulang
  • John Dickens
  • Elizabeth Dickens
Pirma

Si Charles John Huffam Dickens, FRSA (7 Pebrero 1812–9 Hunyo 1870), na may pangalang ginagamit sa pagsusulat na "Boz", ay ang pinakabantog na nobelistang Ingles noong panahong Biktoryana at isa sa pinakatanyag sa lahat ng kapanahunan. Nilikha niya ang ilan sa pinaka hindi malilimutang mga tauhang pampanitikan. Hindi nawawalan ng mga kopyang nakalimbag ang kanyang mga nobela at mga maiikling kuwento.[3][4]

Karamihan sa kanyang mga gawa ang unang lumitawa sa mga pahayagan at mga magasin sa anyong hulugan o seryalisado (mga serye), isang mas gustong paraan ng paglalathala ng kathang-isip noong panahong iyon. Hindi katulad ng ibang mga manunulat na binubuo muna ang buong mga nobela bago magsimula ang paglalathalang pauna-una ang mga bahagi, kalimitang isinusulat ni Dickens ng baha-bahagi ang kanyang mga nobela ayon sa pagkakasunud-sunod kung paano ito dapat lumitaw. Nagbigay ang gawain niyang ganito ng isang partikular na ritmo para sa kanyang mga kuwento, na may sunud-sunod na mga "pambitin" upang mapanatili ang pananabik ng madlang mambabasa sa susunod na labas.[5] Matutunghayan sa kanyang mga gawa ang nakita niyang pangangailangan ng pagbabago sa lipunan o reporma.

Hinangaan si Dickens ng mga manunuring pampanitikan at kapwa mga nobelistang katulad nina George Gissing at G. K. Chesterton dahil sa kanyang pagkadalubhasa sa prosa, at para sa kanyang tanghalan ng natatanging mga tauhan o karakter, na karamihang nagtamo ng katayuang huwaran sa mundong nagsasalita ng Ingles. Ngunit may iba namang katulad nina Henry James at Virginia Woolf na pinagbintangan siya ng pagkakaroon ng sentimentalidad at bilang hindi mabibigyan ng masigabong palakpakan.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://mormonarts.lib.byu.edu/people/charles-dickens/.
  2. https://cs.isabart.org/person/15671; hinango: 1 Abril 2021.
  3. "What the Dickens?", ni Simon Swift. The Guardian, Miyerkules, 18 Abril 2007. "Dickens's books have never gone out of print."
  4. "Victorian squalor and hi-tech gadgetry: Dickens World to open in England". Bloomberg News. 23 Mayo 2007. "He created some of English literature's most memorable characters and his work, which has never gone out of print, continues to bring the poverty of 19th-century London to life for future generations."
  5. Stone, Harry. Dickens' Working Notes for His Novels, Tsikago, 1987
  6. "Henry James, "Our Mutual Friend", The Nation, 21 Disyembre 1865- a scathing review". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-07. Nakuha noong 2009-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.