Justa Grata Honoria
Si Justa Grata Honoria, na karaniwang tinatawag noong habang nabubuhay pa bilang Honoria,[1] ay ang nakatatandang kapatid na babae ng Kanluraning Romanong Emperador na si Valentiniano III — na naging tanyag dahil sa kaniyang pagsusumamo ng pag-ibig at pagtulong kay Attila na Hun na humantong sa pagpapahayag ng huli ng pagmamahal para kay Honoria, at ng karapatan na pamunuan ang Imperyong Romano. Pinatutunayan ng mga barya na nabigyan si Honoria ng pamagat na Augusta na nangyari pagkaraan ng pagtataas ng ranggo ng kaniyang kapatid na lalaki noong 426.[2]
Mag-anak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Honoria ay ang nag-iisang anak na babae ng sumunod na naging emperador na si Constantius III at ni Galla Placidia. Ang una niya dalawang mga pangalan ay hinango mula sa kaniyang mga tiyahin na may kaugnayan sa kaniyang ina, na sina Justa at Grata, na mga anak na babae ni Valentiniano I at Justina, at ang pangatlong pangalan niya ay hinango mula sa emperador na namuno noong panahon ng kaniyang kapanganakan, na kaniyang amain (o "tiyuhing kalahati") na si Honorius.[3] Nagkaroon siya ng isang mas nakatatandang kapatid sa ina dahil sa unang pagkakakasal ni Placidia kay haring Ataulf ng mga Visigoth na si Theodosius, na ipinanganak noong 414 subalit namatay nang maaga noong sumunod na taon.[4][5] Ang kaniyang mas nakababatang kapatid na lalaking si Valentiniano III, ay ang kaniyang kapatid na buo.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Stewart Oost, Galla Placidia Augusta: A biographical essay (Chicago: University Press, 1968), p. 162
- ↑ Stewart Oost, Galla Placidia Augusta, p. 193
- ↑ Stewart Oost, Galla Placidia Augusta, pp. 161f
- ↑ Cawley, Charles, "Profile of Ataulf", Medieval Lands, AC: FMG.
- ↑ Mathisen, Ralph W, Galla Placidia, Roman Emperors, inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-13, nakuha noong 2013-03-29
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ Olympiodorus, pragmento bilang 34. Isinalinwika ni C.D. Gordon, Age of Attila: Fifth Century Byzantium and the Barbarians (Ann Arbor: University of Michigan, 1966), p. 43
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Justa Grata Honoria - artikulo ni J. B. Bury
- Scheming princess behind Empire's fall - Artikulo mula sa CNN ni Mark S. Longo.