Pumunta sa nilalaman

Pagkamatapat na loob

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Honesty)

Ang pagkamatapat na loob, pagiging tapat, katapatan o lealtad ( Ingles: loyalty) ay ang pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang tao, bansa, pangkat, o layunin.[1] Hindi nagkakasundu-sundo ang mga pilosopo hinggil sa kung saang mga bagay na maaaring maging tapat ang isang tao. Nangangatwiran ang ilan na magiging matapat ang isang tao sa isang malawak na saklaw ng mga bagay, habang ikinakatwiran ng ilan naman na mahigpit itong interpersonal at tanging isa pang tao ang maaaring maging bagay ng katapatan. Ang kahulugan ng katapatan sa batas at agham pampolitika ay ang pidelidad ng isang indibiduwal sa isang bansa, na alin man sa bansang ipinanganak ang indibiduwal, o ang pagdeklera ng indibiduwal ng bansang tahanan sa pamamagitan ng panunumpa (naturalisasyon).

Mga konsepto sa kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mundong kanluranin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasang nakabatay ang trahedyang klasiko sa isang tunggaliang nagmumula sa pagiging tapat sa dalawang bagay (o katapatang dalawahan). Nakabatay ang Eutifron, isa sa mga unang diyalogo ni Plato, sa isang mahirap na kalagayang pang-etika na nagmumula kay Eutifron na naglalayong magsampa ng kasong pagpatay laban sa kanyang sariling ama, na nagdulot sa pagkamatay ng isang alipin sa pamamagitan ng kapabayaan.

Sa Mabuting Balita ayon kay Mateo 6:24, sinabi ni Jesus, "Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan." Inuugnay nito ang awtoridad ng isang panginoon sa kanyang tagapaglingkod (ayon sa Efeso 6:5), na, ayon sa batas Biblikal, nangangailangan ng walang hating pagkamatapat na loob sa kanilang panginoon (ayon sa Levitico 25:44–46).[2]

Sa kabilang banda, kinikilala ng "Ibigay kay Cesar" ng mga ebanghelyong sinoptiko ang posibilidad ng natatanging mga katapatan (sekular at panrelihiyon) na walang salungatan, subalit kung salungat ang katapatan sa tao sa katapatan sa Diyos, uunahin ang Diyos. [3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Definition of 'loyalty'". Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2018. Nakuha noong 15 Oktubre 2018.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. White, Edward J. (2000). The Law in the Scriptures: With Explanations of the Law Terms and Legal References in Both the Old and the New Testaments (sa wikang Ingles). The Lawbook Exchange, Ltd. p. 295. ISBN 978-1-58477-076-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sharma, Urmila; Sharma, S.K. (1998). "Christian political thought". Western Political Thought (sa wikang Ingles). Atlantic Publishers & Distributors. pp. 220 et seq. ISBN 978-81-7156-683-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)