Pumunta sa nilalaman

Kangkong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Home sum choy)

Kangkong
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Solanales
Pamilya: Convolvulaceae
Sari: Ipomoea
Espesye:
I. aquatica
Pangalang binomial
Ipomoea aquatica

Ang kangkong (Ipomoea aquatica) ay isang halamang nabubuhay sa lupa at matubig na lugar at ginagamit bilang madahong gulay. Hindi alam ang tumpak na kalawakan ng sakop ng pagpapalawig nito dahil sa kadalian sa pagpapatubo nito. Karaniwan itong nagmumula sa mga maiinit na pook ng mundo. Kabilang sa mga karaniwang-ngalan nito sa wikang Ingles ang water spinach, swamp cabbage, water convolvulus, water morning-glory. Iba pang karaniwang pangalan ang kangkung (wikang Malay), tangkong (wikang Cebuano), kang kung (wikang Sinhales), trawkoon (wikang Khmer), pak boong (wikang Thai:ผักบุ้ง), rau muống (wikang Biyetnames), kongxincai (wikang Intsik: 空心菜 o kōngxīncài na may kahulugang "gulay na walang laman ang puso"), home sum choy (wikang Hakka), ong choy (wikang Kantones: ngônkcôi). Kung minsan, natatawag din itong Asian watercress[1] sa Ingles, ngunit mali ang katawagang ito sapagkat kabilang ang mga watercress sa Nasturtium. Hindi kapamilya ng mga Ipomoea (mga kangkong) ang mga Nasturtium bagaman namumuhay sila sa mga katangian ng lugar na kinalalakhan at kinababagayan ng mga kangkong).

Nabubuhay ang kangkong sa tubig o basang lupa. May 2–3 mga metro o mahigit na haba ang katawan nitong walang laman, na nagiging dahilan ng paglutang, at naguugat ito sa mga singit-ugpungan. Maaaring sagittate (karaniwan) o lanceolate ang mga dahon nito na may habang 5–15 sentimetro at luwang na 2–8 sentimetro. May hugis trompeta ang mga bulaklak na may diyametrong 3–5 mga sentimetro, at karaniwang puti ang kulay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.