Pumunta sa nilalaman

Higashimatsushima

Mga koordinado: 38°25′34.5″N 141°12′37.5″E / 38.426250°N 141.210417°E / 38.426250; 141.210417
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Higasyimatsusyima, Miyagi)
Higashi-Matsushima

東松島市
Gusaling Panlungsod ng Higashimatsushima
Gusaling Panlungsod ng Higashimatsushima
Watawat ng Higashi-Matsushima
Watawat
Opisyal na sagisag ng Higashi-Matsushima
Sagisag
Kinaroroonan ng Higashimatsushima sa Prepektura ng Miyagi
Kinaroroonan ng Higashimatsushima sa Prepektura ng Miyagi
Higashi-Matsushima is located in Japan
Higashi-Matsushima
Higashi-Matsushima
 
Mga koordinado: 38°25′34.5″N 141°12′37.5″E / 38.426250°N 141.210417°E / 38.426250; 141.210417
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaMiyagi
Pamahalaan
 • AlkaldeIwao Atsumi
Lawak
 • Kabuuan101.36 km2 (39.14 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 1, 2020)
 • Kabuuan39,580
 • Kapal390/km2 (1,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoPino
- BulaklakSakura
Bilang pantawag0225-82-1111
Adres36-1 Kamikawado, Yamoto, Higashimatsushima-shi, Miyagi-ken 981-0503
WebsaytOpisyal na websayt (sa Hapones)

Ang Higashimatsushima o Higashi-Matsushima (東松島市, Higashimatsushima-shi), literal na "Silangang Matsushima," ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 1 Hunyo 2020 (2020 -06-01), may tinatayang populasyon ito na 39,580 katao sa 16102 mga kabahayan, [1] at daming 390 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 101.36 square kilometre (39.14 mi kuw).

Ang lugar ng kasalukuyang Higashimatsushima ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu, at tinirhan na ng liping Emishi mula noong panahong Jōmon. Noong panahong Nara, napasailalim ang lugar sa kapangyarihan ng mga kolonisador mula sa dinastiyang Yamato na nakabase sa kalapit na Tagajō. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar bago ito sumailalim sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai noong panahong Edo. Kasunod ng pagpapanumbalik ng Meiji, binuo sa lugar ang Distrito ng Monō, Prepektura ng Miyagi. Itinatag ang bayan ng Yamoto noong Abril 1, 1940, at noong Mayo 3, 1955 naman ang bayan ng Naruse.

Itinatag ang lungsod ng Higashimatsushima noong Abril 1, 2005, nang sinanib ang mga bayan ng Naruse at Yamato.

Lindol at tsunami noong 2011

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nabaha at gumuhong mga kabahayan sa Nobiru, Higashimatsushima, dulot ng tsunami

Ang Higashimatsushima ay matinding tinamaan ng lindol at tsunami noong Marso 11, 2011 na humantong sa hindi bababa sa 1,039 mga namatay,[2] at ang pagkawasak ng higit sa 11,000 mga estruktura, o humigit-kumulang dalawang-katlo ng mga gusali sa lungsod. Sa kasagsagan ng pananalasa ng tsunami, inihitsa papaloob sa lungsod mula sa piyer ang Chōkai Maru, isang 45-metrong barko. Nang naganap ang sakuna, hindi pa tuluyang nakakabangon ang Higashimatsushima mula sa isang lindol noong 2003.[3][4] Humigit-kumulang 63% ng lungsod ay binaha ng tsunami.[5]

Ang Higashimatsushima ay nasa silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi sa rehiyon ng Tōhoku ng hilagang Honshu. Kahangga ng lungsod ang Look ng Matsushima sa kanluran at ang Look ng Ishinomaki (bahagi ng Karagatang Pasipiko) sa timog. Ang baybaying-dagat nito ay bumubuong bahagi ng Pambansang Liwasan ng Sanriku Fukkō, na umaabot sa Prepektura ng Aomori sa hilaga.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Miyagi

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[6] karamihang tumataas ang populasyon ng Higashimatsushima sa nakalipas na 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1920 19,142—    
1930 21,862+14.2%
1940 23,423+7.1%
1950 37,363+59.5%
1960 33,654−9.9%
1970 32,192−4.3%
1980 36,865+14.5%
1990 40,424+9.7%
2000 43,180+6.8%
2010 42,903−0.6%

Ang Higashimatsushima ay nakagisnang sentro ng komersiyal na pangingisda, lalo na sa pagpapaalaga ng mga talaba, at sa turismo. Matatagpuan sa Higashimatsushima ang Palapagan ng Matsushima (Matsushima Air Field) ng Japan Air Self Defense Force.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Higashimatsushima city official statistics Naka-arkibo 2020-06-09 sa Wayback Machine.(sa Hapones)
  2. NOAA Data 2 April 2011
  3. Tsunami survivors face monstrous cleanup task, Japan Times, 26 March 2011
  4. Gilhooly, Rob, "Tsunami-hit towns face dire future", Japan Times, 1 April 2011, p. 4.
  5. NHK, "Tsunami flooded 100 square kilometers of city land", 29 March 2011.
  6. Higashi-Matsushima population statistics

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]