Turismong pang-ekolohiya
Ang turismong pang-ekolohiya o ekoturismo ay isang uri ng turismo patungkol sa responsableng paglalakbay patungo sa mga natural na lugar (gamit ang mga sustainable na uri ng transportasyon), pangangalaga ng kapaligiran, at pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan sa lokal na komunidad.[1] Ito ay naglalayong pagyamanin ang kaalaman ng mga turista, makalikom ng pondo para sa pangangalaga ng kapaligiran, makapagbigay ng ekonomikong benepisyo at politikal na pagbabago sa komunidad, o palakasin ang respeto para sa iba’t ibang kultura at karapatang pantao. Simula noong 1980s, ang ekoturismo ay itinuturing na kritikal na programa ng mga environmentalists (mga taong nagsusulong ng pangangalaga at pagprotekta ng kapaligiran) upang mabigyan ng pagkakataon ang mga susunod na henerasyon na mabisita at maranasan ang mga destinasyon sapagkat minimal lamang ang epekto ng mga aktibidad ng mga tao.[2] Ang ekoturismo ay maaari ring mag pokus sa pagtuturo sa mga turista tungkol sa estado ng lokal at natural na kapaligiran habang isinusulong ang pangangalaga para rito. Para sa iba, ang ekoturismo ay sakop ang mga programang nakakatulong sa pagkamit ng mga ekonomikong benepisyo ng turismo na magsisilbing pinansyal na aspeto upang maisakatuparan ang layuning protektahan ang kapaligiran.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "What is (not) Ecotourism? | Global Ecotourism Network (GEN)". www.globalecotourismnetwork.org. Nakuha noong 2020-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Honey, Martha (2008). Ecotourism and Sustainable Development: Who Owns Paradise? (ika-Second (na) edisyon). Washington, DC: Island Press. ISBN 978-1-59726-125-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ecotourism vs Sustainable Tourism". Integra: developing impact from opportunity. Setyembre 1, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)