Ekonomiyang pandaigdigan
Ang kabuhayang pandaigdigan o ekonomiks na pandaigdigan (Ingles: international economics) ay nakatuon sa mga epekto ng gawaing pang-ekonomiya ng mga pagkakaibang pandaigdigan sa mga napagkukunang pamproduksiyon at mga kagustuhan ng tagakonsumo at ng mga institusyon na nakakaapekto sa kanila. Nilalayon nitong maipaliwanag ang mga gawi at mga kinahihinatnan ng mga transaksiyon at mga interaksiyon sa pagitan ng mga naninirahan sa iba't ibang mga bansa, kabilang na ang pangangalakal, pamumuhunan, at migrasyon.
- Pinag-aaralan ng kalakalang pandaigdigan ang mga daloy ng kalakal at mga serbisyo sa kahabaan ng mga hangganang pandaigdigan magmula sa mga bagay na panustos at pangangailangan, integrasyong pang-ekonomiya, mga galaw ng bagay na pandaigdigan, at pagbabagu-bago ng patakaran na katulad ng halaga ng taripa at mga kuwota ng pag-aangkat.[1]
- Pinag-aaralan ng pananalaping pandaigdigan ang daloy ng puhunan sa kahabaan ng mga pandaigdigang pamilihang pampananalapi, at ang mga epekto ng mga galaw na ito sa mga antas ng pagpapalitan.[2]
- Pinag-aaralan ng pandaigdigang ekonomiks na monetaryo (ekonomiks ng salaping pambayan) at ng makroekonomiks ang mga daloy ng pera at daloy na makro o malakihan sa kahabaan ng mga bansa.[3]
Samantala, ang kabuhayang pangmundo, ekonomiyang pandaigdig, o ekonomiyang pangglobo (Ingles: world economy, global economy) ay pangkalahatang tumutukoy sa ekonomiya, na nakabatay sa mga ekonomiya ng lahat ng mga bansa ng mundo o mga ekonomiyang pambansa. Maaari ring tanawin ang ekonomiyang global bilang ang ekonomiya ng lipunang pangglobo at mga ekonomiyang pambansa - bilang mga ekonomiya ng mga lipunang lokal, na gumagawang iisa ng globo o daigdig. Masusuri ito sa sari-saring mga uri ng mga pamamaraan, katulad ng batay sa ginamit na modelo o isang partikular na salaping umiiral (katulad ng dolyar ng Estados Unidos).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ • James E. Anderson (2008). "international trade theory," The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon.Abstrakto.
• A. Venables (2001), "International Trade: Economic Integration," International Encyclopedia of the Social & Behavioral Sciences, pp. 7843-7848. Abstrakto. Naka-arkibo 2008-09-26 sa Wayback Machine. - ↑ Maurice Obstfeld, (2008). "international finance," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstrakto.
- ↑ • Giancarlo Corsetti (2008). "new open economy macroeconomics," The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon. Abstrakto.
• Mario I. Blejer and Jacob A. Frenkel (2008). "monetary approach to the balance of payments," The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon.
• Bennett T. McCallum (1996). International Monetary Economics. Oxford. Description.
• Maurice Obstfeld and Kenneth S. Rogoff (1996). Foundations of International Macroeconomics. MIT Press. Paglalarawan. Naka-arkibo 2010-08-09 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.