Pag-aaral sa tahanan
Ang pag-aaral na nasa tahanan, paaralang nasa tahanan, edukasyon na nasa tahanan, o pagkatuto na nakahimpil sa tahanan (Ingles: homeschooling, homeschool, home education o home based learning) ay ang edukasyon ng mga bata habang nasa tahanan, na karaniwang sa pamamagitan ng mga magulang o ng mga tutor, sa halip na nasa ibang mga tagpuang pormal ng paaralang publiko o paaralang pribado. Bagaman bago pa man ang pagpapakilala ng mga batas hinggil sa kaatasan na pagdalo sa paaralan, karamihan sa edukasyong pambata ay nagaganap sa loob ng mag-anak o pamayanan.[1] Ang pag-aaral na nasa tahanan, sa diwang makabago, ay isang panghalili ng mga bansang mauunlad para sa pagdalo sa mga paaralang publiko o pribado. Ang pag-aaral na nasa tahanan ay isang legal na pagpipilian ng mga magulang sa maraming mga bansa, na nagpapahintulot sa kanila na makapagbigay sa kanilang mga anak ng isang kapaligirang pampagkakatuto bilang isang kahalili ng mga paaralang publiko at pribado na nasa labas ng tahanan.
Ang mga magulang ay nagbabanggit ng maraming mga dahilan bilang mga motibasyon ng pag-aaral na nasa tahanan ng kanilang mga anak. Ang tatlong mga dahilan ng karamihan sa mga magulang na nagpapaaral ng mga anak habang nasa tahanan sa Estados Unidos ay ang pagsasaalang-alang hinggil sa kapaligiran ng paaralan, upang makapagbigay ng pagtuturong panrelihiyon o moral, at ang kawalan ng kasiyan ng mga magulang na ito sa pagtuturong pang-akademiya ng mga paaralang publiko at pribado. Ang pag-aaral na nasa tahanan ay maaari ring maging isang dahilan sa pagpili ng estilo ng pagganap bilang magulang. Maaaring piliin ng mga pamilyang naninirahan sa nakahiwalay na mga lokasyong rural ang pag-aaral na nasa tahanan, pati na ng mga mag-anak na pansamantalang naninirahan sa ibayong dagat upang makaggawa ng mas maraming paglalakbay; samantala, maraming nasa kabataan pang mga atleta at mga aktor at mga aktres na tinuturuan habang nasa tahanan. Ang pag-aaral na nasa tahanan ay maaaring hinggil sa pagiging isang tagapaturo (mentorship) o sa pagiging tinuturuan (apprenticeship), kung saan ang isang tutor o guro ay makakapiling ng bata sa loob ng maraming mga tao at makikilala talaga ng tutor o ng guro ang bata.
Ang pag-aaral na nasa tahanan ay maaaring gamitin bilang isang uri o anyo ng edukasyong suplementaryo o pandagdag, isang paraan ng pagtulong sa mga bata na matuto, sa loob ng partikular na mga kalagayan. Halimbawa, ang mga batang dumadalo sa mga paaralang ibinaba ang grado o uri ay maaaring makinabang nang husto magmula sa mga paraan ng pagkatuto na pantahanang pag-aaral, na gumagamit ng kaagaran at mababang halaga ng Internet. Bilang isang singkahulugan ng e-learning, ang homeschooling ay maaaring itambal sa edukasyong tradisyunal at hahantong sa mas mainam at mas buo na mga resulta. Ang pag-aaral na nasa tahanan ay maaari ring tumukoy sa pagtuturo o instruksiyon na nasa bahay na nasa ilalim ng pangangasiwa o superbisyon ng mga paaralan na kinukurespondensiya o mga "paaralang pumapayong" ("paaralang sumusuklob"). Sa ilang mga lugar, ang isang napayagang kurikulum ay kailangan ayon sa batas kapag ang mga bata ay dapat na pag-aralin sa tahanan.[2] Ang pag-aaral sa tahanan na walang kurikulum ay maaaring tawagin na unschooling (pag-aaral na wala sa paaralan), isang kataga na nilikha ng Amerikanong si John Caldwell Holt, isang edukador at may-akda, noong 1977 sa kanyang magasin na pinamagatang Growing Without Schooling (Paglaki na Hindi Nag-aaral sa Paaralan). Sa ilang mga pagkakataon, ang isang edukasyon sa sining na liberal ay ibinibigay na ginagamit ang trivium at quadrivium bilang pangunahing modelo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ A. Distefano, K. E. Rudestam, R. J. Silverman (2005) Encyclopedia of Distributed Learning (p221) ISBN 0-7619-2451-5
- ↑ HSLDA. "Homeschooling in New York: A legal analysis" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-04-30. Nakuha noong 2008-11-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-04-30 sa Wayback Machine.