Edukasyon na pangtagapagkonsumo
Ang edukasyong pangkonsumer, edukasyong pangtagakonsumo, edukasyong pangtagapagkonsumo o edukasyong pangkonsumidor ay ang paghahanda ng isang tao o indibiduwal sa pamamagitan ng mga kasanayan, mga diwa at pang-unawa na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at paggamit ng mga bagay na nakukuha niya. Isa itong uri ng edukasyon na ibinibigay sa isang tagapagkonsumo ng produkto hinggil sa sari-saring mga kalakal at mga serbisyo na pangtagakonsumo, presyong panakip (covering price sa Ingles), kung ano ang maaasahan ng isang tagapagkonsumo, pamantayang gawain na pangkalakalan, at iba pa. Isa itong bahagi ng pormal na kurikulum ng paaralan sa maraming mga paaralan at nagsasama o nagpapaloob ng kaalaman na nagmula sa maraming mga disiplina, kabilang na, ngunit hindi nakalimita, sa ekonomiya, teoriya ng laro, teoriya ng impormasyon, batas, matematika, at sikolohiya. Isang magasin na nakatuon sa pagbibigay sa mga tagapagkonsumo ng tumpak na mga panunuri ng mga produkto ay ang nasa wikang Ingles na Consumer Reports, isang babasahin na hindi dapat ikalito mula sa Consumers Digest, isang pahayagan na nagsusuri rin ng mga produkto.
Mga karapatan ng tagapagkonsumo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong anim na mga karapatan na pangtagapagkonsumo upang mapangalagaan ang mga hangarin ng mga tagapagkonsumo. Itinala ito ng mga aktibista na pangkarapatang pangtagapagkonsumo ng Kanluraning Mundo bilang mga sumusunod:
- Karapatan sa kaligtasan
- Karapatan sa kabatiran
- Karapatan sa pagpili
- Karapatan na marinig
- Karapatan sa pagwawasto (katulad ng bayad-pinsala)
- Karapatan sa edukasyong pangtagapagkonsumo
Mga pakinabang ng edukasyong pangtagapagkonsumo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasangkot sa edukasyong pangtagapagkonsumo ang tatlong mga partido: ang negosyo, ang mga tagapagkonsumo, at ang pamahalaan. Ilan sa mga pakinabang na natatanggap mula sa pagkakaroon ng edukasyong pangtagapagkonsumo ay ang tugon para sa negosyo, ang hindi pagbabalewala sa mga tagapagkonsumo ng mga produser at mga nagbebenta ng produkto, tugon ng pamahalaan, at interaksiyon sa pagitan ng konsumer at ng tagagawa ng produkto. Isa sa tagapagtaguyod ng edukasyong pangkonsumidor ay si Curtis Arnold, isang kilalang tagapagtaguyod ng mga konsumidor at ng edukasyong pangkonsumidor.
Mga paksa sa edukasyong pangkonsumidor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa edukasyong pangtagapagkonsumo ang mga paksa hinggil sa konsumerismo, pagpapayo na pangkredito (pagpapayo hinggil sa pag-utang), agham na pampamilya at pangkonsumidor, at ang edukasyong pampananalapi (edukasyong pinansiyal).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.