Pandakot
Ang pandakot ay isang kasangkapang panlinis na karaniwang katambal ng walis. Karaniwan itong nahahawakan ng kamay at dinisenyong para magamit sa tahanan, subalit mayroon ding mga pangkumersiyal o pang-industriyang may bisagra sa isang dulo ng isang patpat upang maiwasan ang madalas na pagbaluktot o pagtuwad ng taong gumagamit nito. Maaari itong gamiting kasama ng isang malaking walis o mas maliit na sepilyong panlinis, o kaya pamalis na alikabok. May mga nabibiling magkakasama ang mga kagamitang ito. Inimbento ito ng Amerikanong imbentor na si T.E. McNeill noong 1858[1] Si Lloyd P. Ray ang unang lalaking taong may itim na balat na nakapagpainam sa pandakot. Noong 3 Agosto 1897, tumanggap siya ng patente, ang patente bilang 587607 sa Estados Unidos para sa isang aparatong mayroong hawakang kahoy na nakakabit sa isang metal na tipunang plato upang maayos na makulekta ang basura.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ McNeill, T.E. ""DUST-PAN" Patent 20,811. 6 Hulyo 1858".
- ↑ Ray, Lloyd P. ""DUST-PAN" Patent 587,607. Agosto 1897".[patay na link]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.