Pumunta sa nilalaman

Tabla (ahedres)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Draw sa Chess)

Sa larong ahedres, ang tabla ay resulta ng isang larong nagtapos ng patas. Kadalasan, sa mga torneo ang tabla ay katumbas ng tig-kalahating puntos para sa bawat manlalaro, habang ang panalo ay katumbas ng isang puntos sa manlalarong nagwagi at walang puntos para sa hindi nagwagi.

Sa pangkalahatan, nangyayari ang tabla kung wala sa magkatunggali ang maaaring manalo. Ang tabla ay kinapapalooban ng mga alituntunin sa larong chess at kabilang dito ang tinatawag na stalemate (kung saan ang manlalaro na siyang titira ay hindi tsek ng kanyang katunggali at wala ng maaaring legal na itira), three-fold repetition (kung saan ang posisyon ay tatlong beses ng nangyari na itinira ng magkatunggali), at ang panghuli ay ang fifty-move rule (kung saan sa pang-limampung tira na gawa ng bawat manlalaro ay wala pa ring kain o pawn move). Ang tabla ay nangyayari din kung ang dalawang manlalaro ay walang sapat na piyesa upang ma-mate (checkmate) ang bawat isa o walang sapat na legal na tira kung saan may maaaring manalo.

Maliban kung mayroong partikular na patakaran ang torneo na ipagbawal ito, ang mga magkatunggali ay maaaring sumang-ayon sa isang tabla sa anumang oras. Ngunit, mayroong etikal na konsiderasyon ang tabla na maaaring mangyari sa hindi pangkaraniwang pagkakataon kung saan ang isang manlalaro ay mayroong tsansang manalo. Halimbawa, ang manlalaro ay maaaring magtawag na ng tabla pagkatapos ng isa o dalawang tira, ngunit ito ay maitatawag na lutong laro.