Christopher
Ang Christopher (minsan ding Kristopher) ay isang bersyong Ingles ng pangalang panlalaki na pangunahing malawakang ginagamit sa Europa, at nagmula sa sinaunang Griyegong Χριστόφορος o Khristóphoros. Nangangahulugan ang pangalan ng "tagapagdala ni Kristo" o "tapagdala ng Kristo"[1], subalit may mas literal na ibig sabihing "tagapagdala ng isang napili". Kabilang sa mga bahagi ng pangalan ang χριστός (khristós) o "isang napili" at φέρειν (phérein) o "buhatin". Nagmula ang pangalang ito sa Kristiyanong alamat ni San Cristobal, na kilala sa Ingles bilang St. Christopher.
Bilang isang ibinigay o unang pangalan, ginagamit na pangalan mula pa noong ika-15 mga daang taon. Sa Dinamarka ipinangalan ito sa tatlong mga hari, na karaniwang binabaybay bilang Christoffer). Kabilang sa mga taong may ganitong pangalan si Christopher ng Bavaria, isang lalaking namuno sa Noruwega at Suwesya (Sweden) noong ika-15 mga daangtaon. Sa Estados Unidos, matatagpuan ang pook na nagngangalang Christopher, Illinois.
Sa Ingles, dinadaglat ang Christopher bilang Chris, Kit, Chip, Topher, Toph, Cris, Kris, at Christo. Sa mga bahagi ng Irlanda, ginagamit din ang daglat na Cricky o Crick. Sa Pilipinas, may kadaglatan itong Chris, Cris, Tope, Topey, at Toper.
Sa Kastila, katumbas ito ng Cristóbal, katulad ng kay Cristobal Colon o Christopher Columbus sa Ingles. Binabaybay ito sa Tagalog bilang Cristobal, na walang bantas ang maliit na titik "O".
Pinili ni Reberendo James Keller, M.M. ang pangalang The Christophers ("Ang mga Cristobal") para sa kanyang samahang itinatag noong 1945, dahil sa kanyang paniniwalang bawat isa taong ay maaaring maging isang misyonero, at upang ilarawan ang isang taong makapagdadala ng mga prinsipyo ng Mabuting Balita sa "pamilihan" ng pang-araw-araw na buhay.[1]
Mga anyo sa ibang wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang mga anyo nito sa piling ibang wika:
- Aleman : Christoph
- Breton : Kristof
- Korsikano : Cristofanu
- Danes : Christoffer
- Kastila : Cristóbal
- Katalan : Cristòfor
- Esperanto : Kristoforo
- Hunggaryo : Kristóf
- Italyano : Cristoforo
- Olandes : Christophe
- Noruwego : Christopher
- Polako : Krzysztof
- Portuges : Cristóvão
- Islobako : Krištof
- Suweko : Kristofer
- Tseko: Kryštof
- Intsik: 基斯杜化
- Hapones : クリストフ (Kurisutofu)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 The Christophers (2000). "Christopher". Three Minutes a Day, Tomo 35. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055252.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Introduction.