Pumunta sa nilalaman

Krema

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Creme)

Ang krema, blangkete, o kakanggata (mula sa kastila crema) ay isang halo na mayroong tubig at mga taba o mga langis.[1]

Nagagamit ang krema sa pagpapalambot o pagpapabanayad ng balat, sapagkat sumasanib ito sa balat ng katawan ng tao.[2]

Nakagagawa ng pangtahanang krema sa pamamagitan ng 150 mga gramong ungguwentong pang-emulsyon (hindi naghahalo ang tubig at langis), 70 ml gliserina, 80 ml na tubig, at 30 mga gramong tinuyong yerba.[2]

Mga kagamitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagluluto ng krema, gumagamit ng mangkok na yari sa salamin, maliit na kawali, kahoy na kutsara o paleta (ispatula), pampiga ng alak, bag na panghalaya o katsa, isa pang mangkok, maliit na kutsilyong paleta o pampahid, at maliit na mga garapong imbakan na hindi napapasukan ng hangin kapag tinakpan.[2]

Sa paghahanda ng krema, nagtutunaw ng mga taba at tubig sa isang mangkok habang nasa ibabaw ng isang kawaling may kumukulong tubig o kaya sa ibabaw ng dalawang kawali. Idinaragdag dito ang yerba. Dahan-dahang pinapainit ito sa loob ng tatlong mga oras. Pagkaraan, naglalagay o naglalatag ng isang bag na panghalaya sa gilid ng bibig ng isang pampiga ng alak. Sinasala ang pinaghalong mga sangkap papunta sa isang mangkok. Madalas itong hinahalo hanggang sa tuluyang lumamig. Pagkatapos na lumamig, inililipat ang produktong krema papasok sa mga nakahandang garapon, sa pamamagitan ng paleta o kutsilyong pampahid o pangkalat. Isinasagawa ito sa paglalagay muna ng krema sa gilid ng loob ng mga garapon, na susundan ng pagpuno sa gitna.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Cream - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Ody, Penelope (1993). "Cream". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 123.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.