Pumunta sa nilalaman

Acala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Budong Mingwang)
Acala
SanskritAcala (अचल)
IntsikBúdòng Míngwáng (不動明王)
HaponesFudō-myōō (不動明王)
MongolianoKödelüsi (Хөдөлшгүй)(?)
TibetanoMgyoba, Miyowa (མི་གཡོ་བ)
Impormasyon
Sinasamba ngVajrayana
Mga katangianAng Hindi Matinag

Si Acala (Skr.: Acala, Achala अचल; isang "hindi matinag") ay isang diyos na tagapagbantay (diyos na tagapag-alaga)[1] na pangunahing pinipitagan sa Budismong Vajrayana sa Hapon, Tsina, Monggolia, Tibet at iba pang mga lugar.

Inuuri siya na kabilang sa vidyārāja at kasama sa nakikilalang Limang mga Hari ng Karunungan ng Lupain ng Sinapupunan. Kaya't ang kaniyang pigura ay sumasakop sa isang mahalagang puwesto ng pamunuan (hirarkiya) na nasa nakalarawang (piktoryal na) diyagramatikong Mandala ng Dalawang mga Lupain (ang mandala ay literal na nangangahulugang "bilog"). Sa Hapon, si Acala ay iginagalang sa mga sekta ng Budismong Shingon, Tendai, Zen at Nichiren.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Murakami 1988, Jp. rel. dict., pp. 242-246

Budismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Budismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.