Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Şırnak

Mga koordinado: 37°31′09″N 42°27′15″E / 37.5192°N 42.454059°E / 37.5192; 42.454059
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Şırnak Province)
Lalawigan ng Şırnak

Şırnak ili
Damlabaşı, Lalawigan ng Şırnak
Damlabaşı, Lalawigan ng Şırnak
Lokasyon ng Lalawigan ng Şırnak sa Turkiya
Lokasyon ng Lalawigan ng Şırnak sa Turkiya
Mga koordinado: 37°31′09″N 42°27′15″E / 37.5192°N 42.454059°E / 37.5192; 42.454059
BansaTurkiya
RehiyonTimog-silangang Anatolia
SubrehiyonMardin
Pamahalaan
 • Distritong panghalalanŞırnak
Lawak
 • Kabuuan7,172 km2 (2,769 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)[1]
 • Kabuuan483,788
 • Kapal67/km2 (170/milya kuwadrado)
Kodigo ng lugar0486[2]
Plaka ng sasakyan73

Ang Lalawigan ng Şırnak (Turko: Şırnak ili, Kurdo: Parêzgeha Şirnex‎) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Anatolia. Nasa hangganan ng Şırnak ang mga bansang Iraq at Syria. Legal na humiwalay ang Şırnak mula lalawigan ng Siirt noong Mayo 16, 1990. Kinabit din ng batas na ito ang ilang mga distrito mula sa mga katabing lalawigan ng Siirt at Mardin, na ginawang bahagi ng Şırnak, kabilang ang Cizre at Silopi.

Noong 2013, tinatayang nasa 475,255 katao ang populasyon ng lalawigan.[3] Ang mga Kurdo ay mayorya ng populasyon ng lalawigan.[4]

Midin

Ang mga katabing lalawigan ng Lalawigan ng Şırnak ay ang Lalawigan ng Siirt sa hilaga, Lalawigan ng Van sa hilagang-silangan, Lalawigan ng Mardin sa kanluran, Lalawigan ng Batman sa hilagang-kanluran, ang bansa ng Syria sa timog-kanluran, at ang bansa ng Iraq sa timog-silangan.[5] Mayroon ang lalawigan na ito ng mga rehiyong bulubundukin sa kanluran at sa timog, ngunit ang karamihan ng lalawigan ay mga talampas, na nagdulot sa maraming ilog na tumatawid dito. Kabilang dito ang Tigris, at ang mga sanga nito na Hezil at Kızılsu, at ang Çağlayan din. Ang mga pinakamahalagang mga bundok ay ang Cudi (2089 m),[6] ang Gabar, ang Namaz at ang Altın. Ang Şırnak ay ang pinakamahirap na lalawigan sa Turkiya na mayroon lamang katamtaman na TL 508 bawat kapita.

Nahahati ang lalawigan ng Şırnak sa 7 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):[3]

  • Beytüşşebap
  • Cizre
  • Güçlükonak
  • İdil
  • Silopi
  • Şırnak
  • Uludere

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
  2. Area codes page of Turkish Telecom website Naka-arkibo 2011-08-22 sa Wayback Machine. (sa Turko) (sa wikang Turko)
  3. 3.0 3.1 "Şırnak" (sa wikang Ingles). Citypopulation.de. Nakuha noong 20 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Watts, Nicole F. (2010). Activists in Office: Kurdish Politics and Protest in Turkey (Studies in Modernity and National Identity) (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. p. 167. ISBN 978-0-295-99050-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Google (20 Setyembre 2014). "Lalawigan ng Şırnak" (Mapa). Google Maps. Google. Nakuha noong 20 Setyembre 2014. {{cite map}}: |author= has generic name (tulong); Unknown parameter |mapurl= ignored (|map-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  6. Siirt 1973 (sa wikang Turko). Ajans-Türk Matbaacilak Sanayii. 1973. p. 102.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)