Pumunta sa nilalaman

Edilberto Tiempo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Edilberto Tiempo
Kapanganakan5 Agosto 1913
  • (Katimugang Leyte, Silangang Kabisayaan, Pilipinas)
Kamatayan19 Setyembre 1996
MamamayanPilipinas
Trabahomanunulat
AsawaEdith Tiempo

Si Edilberto K. Tiempo ay nagtapos ng kursong Bachelor of Arts sa Siliman University, Iowa samantalang ang kanyang Masteral at Doctoral Degrees ay tinapos niya sa Denver, Colorado.

Tumanggap siya ng Fellowship Award sa Rockefeller Guggenheins Foundation at nagturo ng malikhaing pagsulat sa Western Michigan University at Wartburg College sa Iowa.

Kahit na mahabang panahon ang inilagi niya sa Amerika dahil sa kanyang propesyon, ang kanyang pananaw ay nanatiling Pilipinung-Pilipino. Ang kalipunan ng mga nasulat niyang maikling kuwento ay inilathala ng Bookmark.

Nagturo siya ng mahabang panahon sa Siliman University sa Lungsod ng Dumaguete. Isang kinikilalang mahalagang ambag niya, katulong ang kanyang asawang si Edith Tiempo sa Kulturang Pilipino ay ang taun-taong paglulunsad ng Writers' Workshop.

Sa larangan ng pagsusulat, higit siyang kilala sa pagsusulat ng maiikling kuwento at nobela samantalang ang kanyang asawa ay kinHala sa larangan ng panulaan.

Ang dalawang nobelang nasulat niya na nalathala sa Amerika ay ang A Wath in the Night na binigyan ng bagong pamagat na Cry Havoc at ang More Then Conquerors.

Isa siya sa mga manunulat na may malaking pagpapahalaga sa moralidad at integridad. Naniniwala siyang upang mapanatili ang integridad sa sarili, kailangan ang ibayong pagpapakasakit.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.