Pumunta sa nilalaman

VHS

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
VHS recorder, camcorder at cassette.

Ang VHS (pinaikling Video Home System)[1][2][3] ay isang pamantayan para sa antas ng mamimili na analog na pang-rekord ng bidyo sa teyp na cassette. Ginawa ng Victor Company of Japan (JVC) noong unang bahagi ng dekada 1970, lumabas ito sa Hapon noong Setyembre 9, 1976, at sa Estados Unidos noong Agosto 23, 1977.[4]

Mula noong dekada 1950, ang magnetikong teyp na pang-rekord ng bidyo ay naging isang pangunahing tagapag-ambag sa industriya ng telebisyon, sa pamamagitan ng pangkomersyo na mga video tape recorder (VTRs) o mga nagrerekord ng mga teyp na pambidyo. Noong panahon na iyon, ang mga mamahaling kagamitan na iyon ay ginagamit lamang sa mga situwasyong propesyunal tulad ng mga istudyo ng telebisyon at pangmedisinang pag-imahe (fluoroscopy). Noong dekada 1970, pumasok ang videotape o teyp pangbidyo para gamitin sa mga tahanan, na nililikha ang industriya ng home video o bidyong pantahanan at pinalitan ang ekonomika ng telebisyon at negosyo ng pelikula. Nakita ng industriya ng telebisyon ang mga videocassette recorder (VCRs) bilang mayroong kapangyarihan na gambalain ang kanilang negosyo, habang nakita naman ng mga gumagamit ng telebisyon ang VCR bilang paraan upang makontrol ang karanasan sa panonood.[5]

Noong dekada 1970 hanggang unang bahagi ng dekada 1980, nagkaroon ng isang digmaan sa pormat sa industriya ng bidyong pantahanan. Dalawa sa mga pamantayan, ang VHS at Betamax, ay nakatanggap ng labis na atensyon ng midya. Nanalo sa kalunan ang VHS sa digmaan, na dinomina ang 60 bahagdan ng merkado sa Hilagang Amerika noong 1980[6][7] at umusbong bilang ang dominanteng pormat para sa bidyong pantahanan sa buong panahon ng midyang teyp.[8]

Sa kalaunan, nagsimula ang mga pormat na optical disc na mag-alok ng mas magandang kalidad kaysa sa analog na pamgmamimiling bidyong teyp tulad ng VHS at S-VHS. Ang pinakauna sa mga ganitong pormat, ang LaserDisc, ay hindi malawak na pinagtibay sa buong Europa, ngunit napakapopular sa Hapon at mayroong kakaunting tagumpay sa Estados Unidos. Bagaman, pagkatapos ng pagpapakilala ng pormat na DVD noong 1996, nagsimula manghina ang benta ng VHS.[9] Noong 2003, nilagpasan ng mga arkila ng mga DVD ang mga arkila ng VHS sa Estados Unidos at noong 2008, pinalitan ng DVD ang VHS bilang ang ginustong paraan na hindi magastos na pamamahagi.[10][11] Ang huling kompanya sa mundo na gumagawa ng mga kagamitang VHS (mga VCR/DVD combo), ang Funai ng Hapon, ay tumigil na sa produksyon noong Hulyo 2016, na binabanggit ang lumiliit na pangangailangan at kahirapan sa pagkuha ng mga parte.[12][13]

Mga sanggunian

  1. ETHW (2006). IEEE History Center: Development of VHS. (sa Ingles) Binabanggit sa pahina na ang orihinal na pangalan ay "Video Home System", mula sa orihinal na pinagmulan, isang artikulo ni Yuma Shiraishi, isa sa mga imbentor. Hinango noong 2006-12-28 from http://www.ieeeghn.org/wiki/index.php/Milestones:Development_of_VHS,_a_World_Standard_for_Home_Video_Recording,_1976.
  2. Free, John (Nobyembre 1977). "How good are they? New long-play video-cassette recorders". Popular Science (sa wikang Ingles). Times Mirror Magazine inc. p. 81.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Alternatibong URL
  3. Boucher, Geoff (Disyembre 22, 2008). "VHS era is winding down" (sa wikang Ingles). Articles.latimes.com. Nakuha noong Hulyo 11, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "History of the VHS | The VHS" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Glinis, Shawn Michael (Mayo 2015). VCRs: The End of TV as Ephemera (M.A.) (sa wikang Ingles). University of Wisconsin-Milwaukee. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 22, 2016. Nakuha noong Nobyembre 11, 2016.{{cite thesis}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Rapid Evolution of the Consumer Camcorder" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Sony finally decides it's time to kill Betamax" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Lessons Learned from the VHS – Betamax War" (sa wikang Ingles). Besser.tsoa.nyu.edu. Nakuha noong 2011-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Parting Words For VHS Tapes, Soon to Be Gone With the Rewind". The Washington Post (sa wikang Ingles). Agosto 28, 2005. Nakuha noong 2018-11-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. ["VHS era is winding down". The Los Angeles Times (sa wikang Ingles).
  11. "It's unreel: DVD rentals overtake videocassettes". The Washington Times (sa wikang Ingles). Washington, D.C. Hunyo 20, 2003. Nakuha noong 2010-06-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Walton, Mark (Hulyo 21, 2016). "Last known VCR maker stops production, 40 years after VHS format launch". Ars Technica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-22. Nakuha noong 2017-05-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "VHSビデオ機の生産に幕". 日本経済新聞 電子版 (sa wikang Hapones).