Pumunta sa nilalaman

Tessie Agana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 18:15, 31 Hulyo 2024 ni Sea29 (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Tessie Agana
Kapanganakan (1942-05-16) 16 Mayo 1942 (edad 82)

Si Tessie Agana ay isang artistang Pilipino. Nag-umpisa siyang lumabas sa pelikula noong bata pa siya. Unang pelikula niya ang Roberta sa ilalim ng Sampaguita Pictures.

Noong 1954, umalis siya sa Sampaguita Pictures upang gumawa ng sariling kompanya, ang Alta Pictures. Dito ginawa niya ang mga pelikulang Kung Ako'y Maging Dalaga at At sa Wakas. Ang pelikulang Baril O Araro ng Filipiniana Pictures ang kanyang huling pelikula bago namahinga sa paggawa ng pelikula.

Noong 1960, bumalik si Agana sa Sampaguita Pictures upang gawin ang pelikulang Amy, Susie & Tessie kasama nina Amalia Fuentes at Susan Roces at katambal si Jose Mari.

Kawing palabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Talambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.