Pumunta sa nilalaman

Ebolusyong diberhente

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 08:04, 9 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Ang Mga finch ni Darwin ang isang maliwanag at pamosong halimbawa ng diberhenteng ebolusyon kung saan ang ninunong espesye ay nag-angkop sa isang bilang ng iba't ibang mga espesye na may parehong magkakatulad at magkakaibang mga katangian.

Ang Ebolusyong diberhente o Ebolusyong paglihis ang pagtitipon ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat ng organismo na maaaring tumungo sa pagbuo ng bagong espesye na karaniwang isang resulta ng pagkalat ng parehong espesye sa iba at hiwalay na kapaligiran na humaharang sa daloy ng gene sa mga natatanging populasyon na pumapayag sa pagtatangi ng piksasyon ng mga katangian sa pamamagitan ng pag-anod na henetiko at natural na seleksiyon. Halimbawa, ang biyas ng bertebrata ay isang halimbawa ng ebolusyong diberhente. Ang biyas sa maraming mga organismo ay may isang karaniwang pinagmulan ngunit medyo nagdiberhente sa kabuuang istraktura at tungkulin. Sa alternatibong kahulugan, ang ebolusyong diberhente ay maaaring ilapat sa mga katangiang biolohiyang molekular. Ito ay maaaring lumapat sa isang landas sa dalawa o higit pang mga organismo o uri ng selula. Ito ay maaaring lumapat sa mga gene at protina ng mga sekwensiyang nukleyotida o sekwensiyang protina na humahango mula sa dalawa o higit pang mga homolohosong gene. Ang parehong mga ortolohosong gene(na nagreresulta mula sa pangyayaring espesiasyon) at mga paralohosong gene(na nagreresulta sa duplikasyon ng gene sa loob ng isang populasyon) ay masasabing nagpapakita ng ebolusyong diberhente. Dahil sa huli, posibleng para sa ebolusyong diberhente na mangyari sa pagitan ng mga gene sa loob ng isang espesye. Sa kaso ng ebolusyong diberhente, ang pagkakatulad ay sanhi ng karaniwang pinagmulan gaya ng diberhensiya mula sa isang karaniwang pang-ninunong istraktura o ang tungkulin ay hindi pa nagkukubli ng pinagsasaligang pagkakatulad. Salungat dito, ang ebolusyong konberhente ay lumilitaw kapag may isang uri ng mga tagapagpatakbong ekolohikal o pisikal tungo sa magkatulad na solusyon bagaman ang istraktura o tungkulin ay lumitaw ng independiyente gaya ng iba't ibang mga katangiang nagkonberhente sa isang karaniwang magkatulad na solusyon mula sa iba't ibang mga punto ng pinagmula. Ito ay kinabibilangan mga anolohosong istraktura.

Diberhenteng espesye

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang diberhenteng espesye ang direktang kinalalabasan ng radiasyong pag-aangkop. Ang diberhenteng espesye ay nangyayari kapag ang isang bahagi ng espesye ay nahiwalay mula sa populasyon ng isang pisikal na harang(baha ng tubig, mga bulubundukin, disyerto). Kapag nahiwalay na, ang espesye ay nagsisimulang mag-angkop sa bagong kapaligiran nito(natural na seleksiyon). Pagkatapos ng maraming mga henerasyon at patuloy na ebolusyon ng nahiwalay na espesye, ang populasyon ay kalaunang nagiging dalawang magkahiwalay na espesye sa paraang ang mga ito ay hindi makakagparami sa bawat isa. Ang isang halimbawa ng diberhenteng espesye ang langaw na apple maggot. Ang langaw na ito ay pumeste sa prutas ng isang katutubong hawthorn na Australian. Noong mga 1860, ang ilang mga langaw na maggot ay nagsimulang pumeste sa mga mansan. Ang mga ito ay mabilis na dumai dahil nagawa ng mga ito na gamitin ang saganang suplay ng pagkain. Ngayon, may dalawa ng magkaibang espesye na ang isa ay dumadami kapag ang mansanas ay hinog na at isa pa ang nagpapatuloy na pumeste sa katutubong hawthorn. Sa karagdagan, ang mga ito ay hindi lamang nag-ebolb ng magkaibang panahon ng pagpaparami ngunit ngayon ay may natatangi nang mga katangiang pisikal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]